Nanaginip uli ako.
Ang unang bahagi ay walang pinagkaiba sa paulit-ulit kong panaginip. Tulad ng dati nagsimula ito na nasa gitna ako ng isang malaking digmaan, tapos sinugod ko yung lalaking may mala demonyong ngiti. At napalitan ng eksena kung saan nakatutok sa akin ang bayoneta, ibinitay ako sa pamamagitan ng pagbaril. Kasabay ng pagputok, lagi akong napapabalikwas ng gising.
Pero hindi ako nagising.
Nagpatuloy ang panaginip ko.
Gabi. Makulimlum ang langit. Sa likod ng itim na ulap dumudungaw ang halos bilog na buwan. Kulay pula ito, parang napinturahan ng sarili nitong dugo.
Nasa gitna ako ng kalsada sa sa isang modernong syudad. Walang tao at sasakyan sa paligid ngunit hindi iyo mukang naabandona. Walang bahid ng pagkaluma o pagkasira ang kalsada mga establisyimento. Sa paligid ko nagpapaligsahan ang mga gusaling sa tayog ay halos maarok na ang mga ulap.
Nasaan ako? Hindi ko alam. Mabuti pang maglakad nalang.
Saan ako pupunta? Hindi ko alam. Magpaagos nalang.
Kusang kumilos ang aking mga paa, pumasok sa mga kanto, lumiko sa ilang kalye hindi ako tumigil para magisip ng patutunguhan. Di yata'y may sinusundan ang mga paa kong di makitang direksyon na nagsasabi kung saan ako dapat magpunta.
Hanggang sa tumigil ako sa tapat ng isang gusali.
Wala akong mapunang kakaiba mula rito. Para lang itong normal na gusaling pangopisina, mas mataas lang ng konti sa mga kapitbahay nito. Pumasok ako sa loob at nagtungo sa gilid kung saan naroon ang mga elevator. Bumukas ang sa dulong kanan at sumakay ako.
Sa loob iisa lang ang buton. Isang pulang buton na may numero sa gitna.
'13'
Nakaramdam ako ng kaba pero pinindot ko parin ito, sa pagsara ng pinto parang naiwan ko sa labas ang bahagi ng kaisipan kong nagsasabing "wag kang sumakay, bumaba ka hanggat kaya mo pa!" Pero hindi ko kontrolado ang katawan ko. Sunud-sunuran lang ako sa kilos nito.
Nang nagbukas ang elevator, tumambad sa akin ang isang imposibleng tanawin.
Nasa ilalim ako ng karagatan.
O nasa isang malaking aquarium.
Puno ng mga korales ang paligid, may mga halamang dagat din na pumapagpas na parang sumasayaw sa alon. At napakaraming isdang lumalangoy.
Pero walang tubig.
Parang kagaya ng Kanlungan sa ilalim ng Taal lake. Ang pinagkaiba mistulang nasa dagat talaga ako di gaya ng sa Kanlungan na parang ibang lokasyon o dimensyon.
Ibat ibang klase ang mga isang lumalangoy. Pero kapuna-puna na karamihan sa kanila ay mga mapanganib. May mga pating, pagi, higanteng pugita, palos-dagitab(electric eel) atbp. Meron ding mga deepsea fishes gaya nung isang walang mata at yung mukhang alien na may nakasabit na ilaw sa ulo. Halu-halo sila run.
Buti nalang panaginip iyon, hindi nila ako pinapansin. Dahil habang naglalakad ako karamihan sa kanila ay kinakain ang isat isa. Kumakalat na parang usok ang dugo na kalimitang nanggayayari kapag nasusugatan sa ilalim ng tubig.
Matapos ang ilang minutong pagiwas sa mga isda, dinala ako ng paa ko sa isang malaking pinto na nakabukas ng bahagya. Sa likod nito ay may naririnig akong mga tinig na parang nangungusap. Sumingit ako papasok ng uwang.
Nasa isa akong malawak na kwarto, halos dalawang basketball court ang laki. Walang kahit anong dekorasyon o kasangkapan bukod sa disenyo ng kisame. Parang maraming kaliskis ang estilo ng drawing na may hiwa sa gitna na baka lalagyan ng ilaw.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasiAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...