"Apat laban sa inyong lahat, ang isa ay may pinsala pa! Asan ang karangalan nyo bilang Napili?! Sa ginagawa nyong yan ano ang pinagkaiba nyo sa mga kalaban natin? IBABA NINYO ANG INYONG MGA ARMAS!"
Nagpulasan ang ang lahat ng nakapalibot samin at itinapon ang mga armas. Lahat nagtinginan sa sahig na parang may pinapanood na langgam na nagne nae nae. Tumiklop sa papalapit na Maestro.
Katamtaman lang ang taas nya. Nasa 40-50 ang edad. Hanggang balikat ang jeprox na buhok na naaambunan ng puting hibla. Nakasuot sya ng stripes na long sleeves polo, black pants at shoes na. Parang galing sa office work tapos maggigig sa rakrakan festival. Ang naiba lang ay ang mga suot nyang palamuti sa katawan. May mga gintong hikaw sya, choker at singsing, parang yung suot ng mga datu. Puno rin sya ng tattoo. Mga baybaying sulatin na parang orasyon at mga simbolo ang na nakaburda sa kayang mga braso hanggang leeg. Nagmistula itong damit na bumalot sa katawan nya.
May dalawa pa syang kasama. Isang binata na may kapayatan. Nakasuot sya ng lumang damit-militar. Mukhang nasa 20 ang edad pero halata sa tindig na may mataas syang katungkulan.
Pero ang agaw pansin ay yung isa pa. Paano ko ba ilalarawan? Isa syang naka-barong tagalog at nakashade na taong-aso. Di parang werewolf. Para syang aspin na nakatayo at singlaki rin ng tao.
Gaano kaya kalaki garapata nya?
Huminto sila sa tapat namin.
"Kasama ka run binibini. Pakibaba ng sandata mo." Sabi ng Maestro kay Makie na nuo'y busy paring tutukan ng punyal si Bon Jovi sa leeg. Nagenjoy ata.
Magkibit balikat ito sabay tago ng kutsilyo sa beltbag. Sya namang piglas ni BJ at tulak sa kanya.
"Maestro nandito kana pala? Ang mga dayong ito, pilit silang nanggugulo rito sa Kanlungan! Sa tingin ko'y mga espiya sila ng-"
"Tumahimik ka Punong Cabeza. Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Alam ko ang buong istorya." Pagputol nito sa kanya.
Nagitla si BJ.
"P-paanong-",
"Kanina pa ako nandito, napanood ko magmula umpisa."
"Mula umpisa? Edi nakita po ninyo kung paano nila ako dayain sa duelong ito Maestro? Ako ang tunay na nagwagi."
Di muna nagsalita ang Maestro. Tingin ko tumitibok ang ugat nya sa ulo sa galit. Nung nagsalita muli sya parang naginit ang paligid.
"Daya?" Pag-ulit nya. "Diba ang sabi mo kanina'y lahat sila ay pwedeng labanan ka, sabay-sabay man o sunod-sunod. Sa pagkakaalam ko wala silang nilabag na patakaran. Kung ano mang napagkasunduan ninyo, nararapat mong ibigay sa kanila. Sumunod ka sa batas ng Duelo Punong Cabeza."
"Pero Maestro, ang mga dayong ay hindi mapagkakatiwalaan! Ni wala silang Gabay nung nagpunta rito. Kaduda duda sila. Hindi sila nabibilang dito sa atin!"
"Punong Cabeza." Malumanay na pagpigil ni Maestro. "Ano ang pangunahing layunin ng Kanlungan? Bakit namin ito tinatag, natataandaan mo ba?"
"P-para... Para kanlungin ang mga Napili..." pabulong na sagot ni BJ.
"Tama. LAHAT ng Napili, may gabay man o wala. Sino ka para tumaliwas sa layunin ng Kanlungan?" Gigil na sabi nya.
Sa unang pagkakataon nakita kong mapatda si BJ. Tumatagaktak ang pawis nya. At batid kong dahil ito sa takot sa Maestro. Kinabahan tuloy ako.
"Sino ako Punong Cabeza?" Tanong sa kanya.
Di agad nakasagot si BJ, nakatingin lang sa sahig.
"Tumingin ka sa aking mata, at sabihin mo sa akin kung sino ako! Anong katungkulan ko rito sa Kanlungan!"

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasíaAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...