KABANATA LXI - Alyansa

9.5K 357 222
                                    

Isang hukbong balot ng ginto't moradong baluti ang nakahanay tapat sa sarili naming hanay. Parang si Grimace nakabling-bling. Maging ang kanilang bandila ay ginintuang dahon sa gitna ng moradong tela. Kung may kagamitan naiiba ang kulay ay ang mga sandata nila, yung mga nakikita ko. Ang nasa harapan kasi ay hanay ng maninibat. Ang mga eskrimador hula ko ay nasa likuran kung kaya't hindi ko masabi. Ang mga patalim ng kanilang sibat at gawa pinatalim na pulang kristal. Diko tantiya ngunit nasa 1,463 ang bilang nila, bawat isa ay may suot na baluti sa dibdib, kalubkob(helmet), kadenang panloob(chainmail) pero bukod doon ay payak na ang kanilang suot, marahil mas prayoridad ang bilis sa kanila kumpara sa depensa. Ang mukha nila ay perpekto sa lahat ng aspeto, walang tulak kabigin, walang maipipintas. Simetriko na parang niliklok ang mga mata, matangos na ilong mapupulang labi, walang matutulis na tainga gaya ng diwata sa ibang bansa bagkus ay wala silang alulod sa ilong. Napakagandang mga perpektong nilalang. Perpekto sa puntong nakakatakot. Tila artipisyal na katauhang ginawa bilang isang sining. Magagandang mukhang palamuti sa pader. Kung kaya't kahit gaano sila kaganda, kilabot ang dala at hindi paghanga.

Sa gitna nila na tila pinoprotektahan ang isang palankin, o yung sasakyan ng mga dugong bughaw na binubuhat ng apat na tao sa tabla sa bawat kanto. Isipin nyo yung jewel in the palace, parang ganun. Sa direktang harap nito ay may isamg puting tamaraw na may gintong sungay, sakay nito ang isang diwata na may suot na kalubkob na natatakpan ang mukha bukod mata. Siya ang marahil namumuno rito. Kaharap niya si Noli na nauna nang sumalubong sa kanila.

"Hindi sa nangingi-alam ako o anupaman, naiintindihan yung ginto dahil mayaman sila, pero bakit morado?" bulong ko habang lumalapit.

"Dahil ang morado ang kulay ng karangyaan."

"Tifa!" sagot ko sa kanya na kumakandirit palapit. Kumindat at sumaludo siya sakin.

"Yaahh, longtime no see! Huling kita ko sayo medyo malinis kapa, ngayon mukhang mabaho kana ah."

"Anong magagawa nagtalsikan yung mga bahagi ng aswang sakin nung labanan. Kawawa nga ako eh." paawang ko sa kanya.

"Nice to hear pero walang may pake dyan, ang mas mahalaga ay kung nakita mo ba yung ginawa naming pagpana sa mga kalaban? Ako nagkwenta nung distansya at angulo ng pagtudla namin nun. Arent you proud of me???" nagniningning nyang kita sakin.

Masyado syang nakakasilaw na diko masabi na walang kwenta yung atake dahil sa baluti tumama.

"Walang kwenta naman dahil sa baluti tumama."

Salamat sa pagiging di pranka Makie. Galing mo talaga. Nagirapan silang dalawa sa magkabila kong gilid, gustong gusto talaga nila ang isa't isa.

"Pero bakit morado? Hindi ba ginto dapat?" pagbabago ko ng usapan.

"Question," itinaas niya ang hintuturo niya. "Ilang bansa ang may kulay morado sa kanilang bandila?" tanong ni Tifa.

Inalala ko ang lahat ng kabisadong kong bandila.

"...Wala?"

"Ding-ding! Tama! At bakit sa tingin mo?" tinaas niya ang hinlalato.

Ano ba to, Quiz bee? Nagkibit balikat ako.

"Ewan? Kasi hindi mukhang matapang?"

Nag-april boy siya ng mga kamay.

"Boooo... Mali!" eto na. Kuya Kim-mode na sya. "Dahil noong unang panahon sobrang mahal ng tintang morado. Sobrang bihira nito na mas mahal pa ito di hamak sa ginto. Sa katunayan ang pwede lang magsuot ng kulay nito ay mga dugong bughaw, status symbol ito ng pamilya ng hari. Kapag may ibang nagsuot nito, patay ka  yun ay kung makakakuha ka nito. Dahil para makagawa ka ng isang patak nito ay kailangan mo ng libu-libong rare na suso kung saan ito nagmumula. Kaya walang morado mga bandila, dahil walang may kakayanang gumastos para kulayan ang mga watawat nila ng morado at imass produce ito para gamitin sa buong bansa at mga digmaan."

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon