KABANATA XXVI - Digmaan ng mga Watawat

10.1K 757 124
                                    

"May tanong ako, bakit mukha ka nang puno?" Tanong ni Talas.

Nabalutan ako ng mga halamang gamot. Ang totoo nyan mas mukha akong suman na niluwal ng mummy kaysa sa puno, pero sino ako para manghusga?

Inilampaso uli ako ni Goyong. Nakakasabay ako at nasasalag ang ilang pag-atake, nakakaganti rin paminsan-minsan. Pero para syang buhawi sa bilis, aakalain mong dalawa ang espada nya sa bilis ng pagtaga. Marami akong hindi nasasalag, bago ito tuluyang tumama sa akin nahihinto niya. Pero madalas nahihiwa nya ako. Hindi ko alam kung sadya o hindi. Pero yun ang dahilan kung bakit ako naging taong talahib.

Natapos ang sesyon namin sa isang makabuluhang leksyon na ibinahagi nya sa akin.

"Puntiryahin mo ang aking katawan, hanggang maari sa ulo at sa puso. Umatake ka para makasakit. Wag mong asintahing tamaan ang sandata ng kalaban gaya ng napapanood mo sa telebisyon, pwera nalang kung sasalagin mo ito. Tandaan mo, nagpapatayan tayo at hindi nagsasayaw." Pamamaalam nyang sabi sakin.

"Naranasan mo na bang makipag makipagiskrimahan kay Goyong? Hindi pa? Swerte mo, kung nagkataon magiging bonsai ka." Sabi ko kay Talas

"Ano yun?"

"Wala. Kumpleto naba tayo?" Tanong ko.

"Lima lang tayo diba? Nahihirapan kapaba magbilang kung kumpleto na tayo?" Sagot ni Jazz habang nililinisan nya ang arnis niya.

"....Pagusapan na ang dapat pagusapan nang maaga tayong matapos." Bagot na sabi ni Makie.

Kaming lima, ako, si Tifa, Makie, Jazz at Talas ay nagpupulong habang nagkakape sa isang mesa. Katatapos lang naming kumain at habang nagsisiesta ang karamihan pinili naming magusap para walang istorbo.

"Talas, idetalye mo sa amin kung ano ang patakaran ng mga palaro sa Libangan ng mga Bayani? Paano tayo mananalo run?" Tanong ko. Lahat ng impormasyon madadagdag ay isang hakbang pasulong sa tagumpay.

"Ok ka lang?" Sagot nya. "Kahit sabihin ko sa inyo hindi parin tayo mananalo sa ibang Balangay. Mas malakas ang pwersa nila di hamak sa atin. Ang totoo nyan dalawang taon nang kulelat sa palaro ang Balangay natin." Hindi ko alam kung nalulungkot sya o nagmamalaki sa sinabi nya.

"Oh cmon! Wag ka namang nega Master. Malay mo di na tayo kulelat ngayon. May nadagdag kang myembro diba?" Sabi ni Tifa sabay yakap kay Talas na parang yumayakap sa paborito nyang pet.

Kelan pa sila naging ganun kaclose? Ako rin bes ehehehe.

"Oo na... Wag mo lang ako yakapin, nakakairita." Sabi nya pero di naman pumapalag. Parang nagpipigil pa sya magblush. Kunwari pang ayaw.

Ang kyut nilang tignan. Parang mag-ate lang. Naalala ko bigla na bata lang si Talas at walang nagaruga sa kanyang magulang. Kaya siguro bigla syang naging malapit kay Tifa na likas na mahilig sa mga bata.

Nagsimulang magpaliwanag si Talas.

"Ang Libangan ng mga Bayani(LNB for short) ay pistang ginaganap bilang paggunita sa anibersaryo nang pagkakatatag ng Kanlungan. Parang kapyestahan din ito sa labas na mundo, may mga kasiyahan, handaan, programa. Nagtatayo rin ng pwesto ang mga Balangay na nagtitinda ng sarili nilang mga produkto."

"May mga politician din bang kumakanta't sumasayaw?" Tanong ko.

"Huh?"

"Wala, nevermind, ituloy mo na."

Nagkamot sya ng ulo. "Ahhh... Pero bukod dun, ang pinakahihintay ng lahat ay ang mga Palaro. Dun kasi malalaman kung anong balangay ang magiging punong balangay."

"Bakit naman? Wala ba kayong eleksyon?" Tanong ni Tifa.

"Wala ganyang konsepto rito. Kung sino ang pinakamagaling, sila ang mamumuno. Ang kwento sa amin nagsimula raw ito bilang simpleng pustahan lang nung nga unang residente ng Kanlungan. Kung sino ang mananalo, pagsisilbihan ng mga Balangay ng isang linggo, nung lumaon naging seryoso na itong paraan ng pamamalakad sa Kanlungan at tumatagal na ito ng isang buong taon."

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon