Part 1

4.8K 71 21
                                    

Deanna's POV

Hi, ako nga pala si Deanna Wong, 19 years old, 2nd year college at ang course ko ay BS in Civil Engineering. Scholar din ako sa school na pinapasukan ko kaya naman wala na akong binabayaran.

Bata palang ako wala na akong magulang, lumaki kami ng kapatid ko na si Dean Peter sa lola ko. Namatay kasi yung parents ko at yung tatlong kapatid ko sa aksidente dati, siguro kung buhay lang yung parents ko ngayon mayaman kami ngayon, dati kasing business man yung daddy ko, kaya lang noong nawala sila bumagsak lahat at walang natira sa amin.

Bata palang ako alam kong may kakaiba na sa akin, alam kong bisexual ako, pero nagpapasalamat ako dahil tanggap ako ng mga kaibigan at pamilya ko.

Part time ako sa school namin bilang janitress...

Sa umaga student, sa hapon hanggang gabi naman janitress.

Yung lola ko nagtitinda ng kung ano ano sa labas ng school namin kapag may pasok, pero kapag bakasyon lumilipat sya sa tabi ng simbahan, katulad ngayon, bakasyon namin kaya naman sa tabi sya ng simbahan nag titinda kasama yung kapatid ko.

"Deanna, apo..." tawag sakin ng lola ko

"Po?" sagot ko sa kanya

"Halika dito dali!" utos nya sakin, bumangon ako sa pagkakahiga ko, medyo tinanghali ako ng gising ngayon dahil day off ko, nang makabangon ako lumapit ako kay Lola.

"Bakit po la?" tanong ko sa kanya, nakangiti sya sakin

"Magbabakasyon tayo!" masayang sabi nya, agad na nagsalubong yung kilay ko

"P-Po?" tanong ko sa kanya

"Ang sabi ko magbabakasyon tayo sa Zambales!" pag uulit nya sa sinabi nya kanina

"La, paano po tayo makakapagbakasyon sa Zambales? eh sakto lang po sa pangkaen natin yung kinikita natin" sabi ko sa Lola ko

"Libre naman yon apo.." sabi nya habang nakangiti

"Oo nga ate, libre yun, sumali kasi si lola sa raffle sa 7Eleven sa tabi ng simbahan, nanalo sya ng trip to Zambales, good for 3-4 persons, eh tamang tama, tatlo tayo, libre na lahat, transpo, accommodation, pati na din mga pagkaen, may pocket money pa tayo na 10K!" kwento ni Peter

"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila

"Oo ate, kaya mag leave ka ng 1 week kasi 1 week tayo sa Zambales eh!" sabi uli ni Peter, napakamot naman ako sa kilay ko

"1 week? Ang tagal non, s-sayang yung kikitain ko.." sabi ko sa kanila, lumapit sakin si lola at hinawakan yung kamay ko

"Apo, hindi naman masama yung mag relax at mag enjoy muna diba? puro ka nalang trabaho, eh mamaya magkasakit ka na sa kakatrabaho mo, magbakasyon muna tayo.." sabi ni Lola sakin

Tama nga naman si Lola.. minsan lang yung pagkakataon na to..

"Sabagay.. sige, magpapaalam po ako sa office.." sabi ko sa kanila habang nakangiti

"Yehey!!" masayang sigaw ni Peter, napailing naman ako

Kinuha ko yung de keypad na phone ko at dinial yung boss namin para magpaalam, agad naman siyang pumayag dahil deserve ko daw ang mag leave bago magpasukan uli, wag din daw akong mag alala dahil bayad daw yung 1 week ko kahit hindi ako pumasok, nakaramdam naman ako ng tuwa.

Pagkatapos naming mag usap ng boss ko nilapitan ko sila lola.

"La, kailan tayo aalis?" tanong ko sa kanya

"Bukas apo.." sagot nya

"Okay po, aayusin ko lang po yung dadalhin ko" paalam ko sa kanya

"Sige, si Peter nag aayos na.. mag aayos na din ako ng gamit ko dahil maaga tayong susunduin bukas" sabi ni Lola, tumango lang ako

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon