Part 6

1.3K 75 11
                                    

Jema's POV

Kakatapos ko lang maligo, at ngayon nandito kami sa hapag kainan at kumakaen. 

"Tingnan mo si Ate, hindi maalis yung ngiti sa labi hahah!" parinig ni Mafe sakin, tumingin ako sa kanya at inirapan sya

Panira talaga to ng moment.

"Pake mo?!" inis na tanong ko sa kanya

"Oh, kumakaen tayo ha..." saway samin ni daddy

"Si Mafe kasi dad" sumbong ko 

"Tama na yan" sabi nya sakin

"Eh bakit ka kasi nakangiti habang kumakaen Jema? Parang daig mo pa yung inlove" tanong sakin ni Ate Jov

"Masarap lang kasi yung pagkaen" pagsisinungaling ko, pero yung totoo kanina pa gumugulo sa isip ko si Deanna. Nagulat din kasi ako kanina nung hinalikan nya ako sa noo ko. 

"Ate, tumawag pala kanina si Ate Bea, kinakamusta ka" sabi ni Mafe sakin

"Talaga? Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya

"Wala, sabi ko nasa tabing dagat ka" sagot ni Mafe

"Ah okay, dapat pala sinama natin sila ni Kyla dito" sabi ko

"Hayaan mo anak, next time sasama natin sila dito" sabi ni daddy, tumango lang ako habang nakangit

"Ay pa, after po ng dinner okay lang po ba na tumambay ako sa labas?" paalam ko

"At anong gagawin mo sa labas? Baka mamaya mapano ka pa" sabi ni mommy

"Mom, may kasama naman po akong friend" sabi ko

"At sinong friend yan?" tanong sakin ni daddy

"Si Deanna po" sagot ko, tumingin sakin si Mafe

"Deanna?" tanong ni Mafe sakin

Oo nga pala, baka kilala nya din si Deanna kasi sa Ateneo din to nag aaral

"Oo si Deanna, yung taga Ateneo din, yung naglilinis kapag hapon" sagot ko

"Ahh, yon? hahahah nandito ba sya?" tanong ni Mafe sakin

"Oo bakit?" tanong ko

"Wala lang, akalain mo nga naman, may pang Zambales din pala yon--"

"Mafe!" saway ko sakanya, napatingin sakin si daddy at mommy, pati na din siAte Jov

"B-Bakit? totoo naman eh" sabi ni Mafe

"Hindi naman tama na maliitin mo yung tao" seryosong sabi ko

"Hahah, okay sorry! kakaiba ka ngayon ate" sabi sakin ni Mafe, tiningnan ko lang sya ng masama

"Nakakainis ka kasi! porket ganon yung tao--"

"Ate! relax, hindi ko sya minamaliit, close kami non eh!" sabi ni Mafe sakin, nagulat naman ako sa sinabi nya

"C-Close kayo?" tanong ko sa kanya

"Oo, yung totoo mabait naman kasi yon, kahit tahimik... actually ang daming nagkaka crush don ate sa school haha! kahit ganon yun! saka minsan kasi nagtu-tutor din yon sa classmate ko" sabi ni Mafe

"Talaga? Sino?" tanong ko sa kanya

"Si Ivy yung tinuturuan nya" sabi ni Mafe, "Ang talino nun!" dagdag nya pa

Nakikinig lang samin sila mommy at daddy

Nang matapos kaming kumaen nagpaalam uli ako sakanila. 

"Mom, tatambay lang po ako ha, saglit lang naman, magpapahangin lang po" paalam ko

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon