Part 25

1.3K 70 39
                                    

Jema's POV

Magkakasabay kaming dumating nila Bea at Kyla dito sa school. 

"Good Morning bes! aga natin ha!" bati sakin ni Kyla

"Good Morning Jema!" bati din sakin ni Bea, napangiti naman ako, babatiin ko din sana sila kaso may narinig kaming sumigaw

"DEANNAAA!! SA LIKOD!!" napalingon ako sa kanan ko, at biglang lumaki yung mata ko dahil kitang kita ko kung panong paluin ng babae yung ulo ni Deanna, kitang kita ko din yung pagbagsak ni Deanna sa lapag

"Deannaaa!!" sigaw ko, halatang nagulat sila Bea at Kyla dahil sa sigaw ko, mabilis akong lumapit kay Deanna, tatakbo na sana yung babaeng pumalo kay Deanna kaso bigla syang nahawakan ng isang babae na short hair. 

Pamilyar sakin yung mukha kaso nakalimutan ko yung pangalan nya.. 

Mabilis kong inalalayan si Deanna, nang makapa ko yung ulo nya naramdaman kong nabasa yung kamay ko kaya tiningnan ko iyon at bigla akong nataranta at kinabahan.

D-Dugo!

"Deanna!" nagsilapitan na din yung mga kaibigan ni Deanna na parang kakarating lang din nila dito sa school, halata yung pag aalala sa mukha nila, galit na tumingin si Ced sa babaeng maiksi yung buhok. 

"Tots! Ikaw nanaman ba yung may pakana nito?!!" galit na tanong ni Ced

Tots pala name nya... 

"H-Ha?! H-Hindi ako!" sabi ni Tots habang nakakunot noo, tumingin ako kay Ced

"Hindi sya! yung babaeng hawak hawak nya... siya yung pumalo kay Deanna!" sabi ko

"Hah! Malamang inutusan mo!" galit namang sabi ni Gel, mas lalong sumama yung mukha ni Tots

"Damn!! Hindi nga ako!!---"

"Pwede ba! tulungan nyo nalang akong buhatin si Deanna?! Dalhin natin sya sa clinic! may dugo yung ulo nya!" inis na sabi ko sa kanila

Tumingin si Tots sa babaeng hawak hawak nya. 

"Ikaw! Sumama ka samin ng mapatunayan kong hindi ako yung may pakana nito!" galit na sabi ni Tots

Pinagtulungan naming dalhin si Deanna sa sasakyan ko, nang maipasok namin sya sa sasakyan ko si Bea na yung nag drive papunta sa clinic dahil malayo kung lalakarin.

Nang makarating kami sa clinic agad namang inasikaso si Deanna, habang naghihintay kami dito sa labas nag aalala parin ako kay Deanna, itong mga kasama ko naman hindi nila tinigilan yung naghampas kay Deanna. 

"Ano?! Magsasalita ka o hindi?! anong ginawa sayo ni Deanna?! bakit mo ginawa sa kanya to?! Ha?!" galit na tanong ni Tots, "Tangina napagbibintangan ako dito eh!" dagdag nya pa

"Napag utusan lang ako!" inis ding sabi ng babae

"Sinong nag utos sayo?!" tanong naman ni Kamuy, yumuko muna yung babae
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Si Bea..." sagot nya

Para akong nabingi dahil sa sinabi nya

"A-Ano??" kunot noong tanong ko, umaasa kasi ako na ibang Bea yung tinutukoy nya.

"Si Bea de Leon..." pag uulit nya pagkatapos tiningnan nya si Bea

Napatingin din ako kay Bea at nakita kong nakakunot noo sya habang nakatingin sa babae.

Halatang hindi din sya makapaniwala sa narinig nya...

"What?! Hindi ako yung nag utos sayo nyan! Wala akong alam dyan! and I don't even know you!" galit na sabi Bea, ngumisi naman yung babae

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon