Part 11

1.2K 58 11
                                    

Deanna's POV

"Apo, nandyan na si Ate Aby mo" tawag sakin ni lola

Mabilis kong kinuha yung gamit ko at lumabas ng kwarto, humalik muna ako sa pisngi ni lola.

"La, wag kayong magpapakapagod, kapag nahihilo magpahinga" bilin ko sa kanya

"Oo na apo, ingat" sabi ni lola

Nagmadali akong pumunta sa sasakyan ni ate Aby, pagdating ko doon agad akong pumasok sa sasakyan nya

"Let's go?" tanong sakin ni Ate Aby, tumango ako habang nakangiti

Ilang oras lang nakarating na kami sa school.

"Deanna!" napatingin ako sa tumawag sakin nang makababa ako ng sasakyan.

Kamuy...

"Ngayon ka la---" natigilan si Kamuy sa pagsasalita, nakita kong nakatingin sya sa likuran ko

"Deanna, una na ako ha.. bye!" paalam sakin ni Ate Aby

"Sige ate, bye.. salamat ha" sabi ko, tumango lang sya at nagba-bye, pagkatapos umalis na sya

Napatingin ako kay Kamuya at nakita kong tulala sya habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Ate Aby.

Lumapit sya sakin.

"D-Deanns, s-sino yun?" tanong sakin ni Kamuy

"Ahh si Ate Aby" sagot ko

"Shit! Ang ganda nya bruuu!!" sabi nya sakin sabay hampas sa likod ko

"Aray!!" reklamo ko

"Ay! sorry hahah! seryoso! Ang ganda nya!" sabi ni Kamuy, natawa nalang ako habang naiiling

"Bakit ka nga pala lumapit sakin?" tanong ko sa kanya

"Eh nakita kasi kita kaya lumapit ako sayo" sabi ko

"May kailangan ka no?" tanong ko sa kanya

"Wala, tara.. sabay na tayo maglakad" aya nya sakin

"Si Gel?" tanong ko sa kanya

"Naku! Malamang late yon" sabi nya

Habang naglalakad kami may tumawag uli sakin...

"Deanna!" natigil ako sa paglalakad, ganon din si Kamuy

Kilalang kilala ko yung boses na yon...

Dahan dahan akong tumingin sa likod ko, nang makita ko sya automatic ako na napangiti.

Jema...

"Deanns, kilala mo yan?" bulong ni Kamuy sakin pero hindi ko sya pinansin at tumakbo ako palapit kay Jema at agad syang niyakap..

Shit!! Namiss ko tong babaeng to!

Naramdaman kong yumakap sya pabalik sakin kaya mas lalong lumaki yung ngiti sa labi ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko..

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya at tiningnan ko sya..

"K-Kamusta ka??" tanong ko sa kanya

"Okay lang! Namiss kita!" sabi ni Jema sakin

"Yiieehh! may nagseselos dito oh.." parinig ng isang babae kaya parehas kaming napatingin ni Jema sa dalawang babaeng nakatayo sa likod nya

"Ayy Deanna, papakilala kita sa mga kaibigan ko" sabi ni Jema, napatingin ako kay Kamuya na lumapit na din samin

"Deanns, kilala mo sila?" tanong ni Kamuy

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon