Part 67

1.4K 70 31
                                    

Bea's POV

Habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Jov tahimik lang si Deanna.

Mukhang ang lalim ng iniisip nya...

Sinadya kong samahan si Deanna sa pag hatid kay Jov, hindi ko alam kung bakit. Siguro para may makasama sya pabalik?

"Deanns, mukhang seryoso yung pinag usapan nyo kanina ni Jema ha? kamusta yung naging pag uusap nyo?" tanong ni Tots

Kahit hindi aminin ni Deanna, alam ko na mahal nya pa si Jema.

"Oo nga Deanns, okay na ba kayo?" tanong din ni Gel

"O-Okay na" sagot ni Deanna

Malapit na din pala kami sa bahay nila Jov, natatanaw na namin yung bahay nila.

"Anong napag usapan nyo?" tanong ni Tots

Napahawak si Deanna sa ulo nya. 

Okay lang ba sya?

"B-Basta!" sabi ni Deanna

Nagulat kami nang biglang bumagsak si Deanna sa buhanginan. 

"Deanns!!" sabay sabay naming tawag sa kanya

Bigla akong kinabahan...

Mabilis kaming lumapit sa kanya at inalalayan namin sya.

"Deanns! Gising!" sabi ko habang tinatapik yung pisngi nya pero hindi parin sya nagigising

"Deanna!" pang gigising din nila Jov sa kanya. 

Baka lasing lang? Baka hindi na nakayanan??

"Dalhin na kaya natinsa hospital?!" tarantang sabi ni Gel

"Sige! sige! Buhatin nyo sya papunta sa car ko, bilis!" taranta na din si Jov

"Tulungan nyo ako, ipasan natin si Deanna sa likod ko, dali!" sigaw ko

Tinulungan ako nila Tots na ipasan si Deanna sa likod ko. Nang maipasan ko na sya tumayo ako at tumakbo papunta sa sasakyan ni Jov. 

Biglang nawala yung amats ko dahil sa nangyare kay Deanna. 

Nang makasakay kami sa sasakyan ni Jov mabilis nyang pinaandar yung sasakyan nya. 

Sana nahimatay lang sya dahil sa kalasingan!

Kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung cellphone ko pero nabadtrip ako nang maalala ko na inilapag ko pala yon sa lamesa. Tumingin ako kay Tots

"Tots, dala mo ba yung phone mo?" tanong ko  sakanya

"Hindi nga din eh!" sagot nya

"Gel?" tanong ko kay Gel

"Naiwan sa room natin" sagot nya

"Tsk! Pano ko matatawagan sila Jho?" tanong ko sa kanila

"Iniwan ko din yung phone ko kasi lowbat" sabi ni Jov habang nagdadrive

Tumingin ako kay Deanna, wala parin syang malay hanggang ngayon

"Wag na muna natin silang pag-alalahanin Bei, mamaya nalang tayo mag explain sa kanila" sabi ni Tots

Sabagay, oo nga naman, baka mag alala sila...

Pero mas mag aalala sila kasi magtataka  yon kung bakit ang tagal namin bumalik. 

Nang makarating kami sa hosital agad na inasikaso si Deanna sa emergency room.

"Shit! Ano kayang nangyare kay Deanna?" nag aalalang tanong ni Gel

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon