Part 13

1.2K 59 53
                                    

Jema's POV

Ewan ko ba, pero nung nakita ko na hinalikan ng babaeng yun yung pisngi ni Dean parang bigla akong nawalan ng mood, nakaramdam din ako ng inis.

Dahil sa inis ko nauna na akong maglakad kila Kyla at Bea.

"Jema..." rinig kong tawag sakin ni Bea

"Bes... wait lang" sabi naman ni Kyla, huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanila

"Ang tagal nyo naman kasi!" inis na sabi ko

"B-Bakit parang galit ka?" tanong ni Bea sakin nang makalapit sila

"Hindi ako galit!" inis na sabi ko

"Eh ano yan? Ano yang inaasta mo?" tanong ni Bea sakin, alam kong pinipigilan nya yung inis nya, pinakalma ko yung sarili ko

"Wala, tara na... uuwinna tayo" seryosong sabi ko, tatalikod na sana ako pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"Akala ko ba aalis tayo?" tanong nya, bigla naman akong natigilan nang maalala ko yung usapan namin kanina nila Kyla

Shit! Oo nga pala!

"Kaya nga.. pangit kabonding nito ni Jema, nakita lang na hinalikan ng---"

"Shut up Kyla!" inis na saway ni Bea kay Kyla

"Hala.." rinig kong bulong ni Kyla

Tumingin ako kay Bea.

"Sorry Bei, biglang sumama yung pakiramdam ko, okay lang ba na icancel nalang natin? next time nalang" sabi ko sa kanya, nakita ko sa mata nya yung pagkadismaya.

"E-Ehem! O-Okay... kung hindi lang ako nabadtrip don sa Jhoanna na yon hindi ako mag aaya sa Mall.. pero sige, uuwi nalang din ako. Ingat kayo" sabi ni Bea pagkatapos naglakad na sya palayo

"Hala ka bes... mukhang nainis na" sabi ni Kyla sakin, nakatingi  lang ako kay Bea na naglalakad palayo.

Nakaramdam ako ng guilt.

Oo nga pala, kanina kasi nabadtrip sya kay Jho, ako nanaman kasi yung pinag iinitan, ewan ko ba kung bakit parang may galit yon sakin.

Flashback...

Habang naglalakad kami papunta sa room namin napansin ko si Bea na para bang may hinahanap sa bag nya.

Maya maya tumingin sya samin.

"Guys mauna na kayo sa room, may kukunin lang ako sa car ko, nakalimutan ko kasi eh" sabi nya

"Samahan na kita" alok ko sa kanya, agad naman syang ngumiti

"Sige ba.." sabi nya

"Ay ako mauuna na.. reserve ko kayo ng upuan guys" sabi ni Kyla

"Sure.. thanks Kyla" sabi ni Bea

Naglakad na palayo si Kyla kaya naman naglakad na din kami ni Bea pabalik sa car nya.

"Jema, thank you nga pala ha" sabi nya sakin

"Bakit?" nagtatakang tanong ko

"Kasi sinamahan mo ako ngayon haha!" sabi nya

"Naku! maliit na bagay" sabi ko habang nakangiti.

Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad papunta sa Car nya. Nang makarating kami kung saan naka park yung car nya agad nyang kinuha yung nakalimutan nya.

Maya maya bumalik na sya sakin.

"Let's go.." aya nya habang nakangiti

"Okay na? Nakuha mo na?" tanong ko sa kanya

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon