Part 70

1.6K 85 43
                                    

Deanna's POV

Nakaramdam ako ng takot kanina nung natumba ako, bigla kasing sumakit yung ulo ko.

Napapikit ako nang pasandalin ni Jema yung ulo ko sa balikat nya.

Parang gumaan at bumuti din yung pakiramdam ko.

Naramdaman kong hinaplos haplos ni Jema yung pisngi ko.

Hindi ko alam kung ano yung nasa isip ni Jema, pero kanina pa ako nagtataka sa kanya, bigla kasi syang naging sweet sakin.

O baka nakikisama lang sya?

Dibale na nga, okay na din siguro to, kahit  isang araw lang mararamdaman ko uli yung naramdaman ko dati noong kami pa...

"Tulog si Deanna?" rinig kong tanong ni Gel kay Jema

"Oo, nakapikit e" sagot ni Jema

"Ahh sige, sabi kasi ni Bei aalis na daw tayo maya maya" sabi ni Gel

"Ah sige, gigisingin ko nalang sya maya maya" sabi ni Jema

"Sige" sabi ni Gel pagkatapos umalis na sya.

"Deanna..." rinig kong tawag ni Jema sakin, "Tulog ka?" tanong nya sakin

"Mmmm?? Nakapikit lang" sagot ko sa kanya pagkatapos idinilat ko yung mata ko at tumingin ako sa kanya, "Thank you" sabi ko sa kanya, nginitian nya naman ako

Lumayo ako sa kanya.

"Tara na, para marami pa tayong mapuntahan" sabi ko

"Okay kana ba Deanns?" tanong sakin ni Bea

"Okay na" sagot ko

"Sige, tara na..." aya ni Bea samin

Inalalayan ko uli si Jema sa pagsakay sa yacht.

"Bei, saan yung next activity natin?" tanong ni Gel kay Bea

"Pupunta tayo sa may cave" sagot ni Bea, "Magkakayak tayo papasok sa cave" dagdag nya pa

Napangiti ako.

"Guys, gusto nyo ba punta tayo sa farm namin pag uwi natin bukas? stay tayo don kahit 2 days lang" sabi ni Bea samin

"Sige ba!" pagpayag ni Tots

"Sinong gustong sumama?" tanong ni Bea

Lahat kami pumayag maliban kay Jema.

"Jema? Hindi ka sasama?" tanong ni Bea sa kanya

"Hindi na, marami pa kasi akong aasikasuhin sa kasal namin ni Ella" sagot ni Jema, nakaramdam naman ako ng lungkot

"Eh wala pa naman si Ate Ella eh, mag enjoy ka kaya muna? Sige ka, kapag kinasal kana hindi mo na magagawa yung mga ganitong bagay, lalo na kapag nagkababy kayo ni Ate Ella, kaya kung ako sayo i enjoy mo yung pagiging dalaga mo hahah!" sabi ni Bea

Nakita kong tumingin sakin si Jema kaya napayuko ako.

"Sige, sasama na ako, basta 2 days lang" sabi ni Jema

"Yown!! Papayag din pala eh, so pano yan? Deretso tayo don bukas?" tanong ni Tots samin

"Mas okay yon, deretso na tayo don, ako ng bahala sa inyo" sabi ni Bea

Nang makarating kami sa cave nag suot kami ng hard hat at life vest pagkatapos agad kaming bumaba sa yacht at sumakay ng kayak.

Magkasama kami nina Gel, Kyla at Jema sa iisang kayak, si Gel yung taga sagwan.

Inalalayan ko si Jema sa pagsakay sa kayak, baka kasi matumba sya.

"Dahan dahan lang Jema ha.." sabi ko sa kanya

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon