Deanna's POV
Saturday...
Nandito kami ngayon Tanay Rizal, resort nila Tots. Nag aayos kami para sa monthsary namin ni Jema bukas. Pumayag kasi yung daddy ni Tots na dito kami mag celebrate ng monthsary ni Jema sa resort nila dahil nag part time ako sa kanila last week at hindi na ako nagpabayad.
Dahil natuwa sya sakin ito nalang yung inoffer nya sakin, dinner sa garden at staycation.
"Deanns! Saan natin ilalagay yung table?" tanong ni Tots sakin
"Dito nalang..." sabi ko habang nakaturo sa pinaka center ng garden, agad nya namang binuhat yung round table at nilagay sa tinuturo ko, "Alam nyo, na a-amaze talaga ako sa inyo eh! Totoong kaibigan talaga kayo, biro nyo.. imbes na nag aaral o gumigimik kayo ngayon pero nandito kayo para tulungan ako, at ang ganda na ng lugar!" sabi ko sa kanila
"Hay Naku Deanna Wong! Ano pa bang problema??" tanong sakin ni Tots nang mailapag nya yung round table
"A-Actually meron pa eh" nahihiyang sabi ko
"Ano ba yan! Wala na bang katapusang problema yan tungkol sa monthsary nato?? Ano nanamang problema mo?" yamot na tanong ni Ced, tumingin naman sa kanya si Tots
"Ced, inggit ka lang eh, hayaan mo, magkakaroon din tayo ng monthsary!" sabi ni Tots sakanya sabay kindat kaya natawa ako
"Ewan ko sayo!" inis na sabi ni Ced
"Ang problema ko kasi ano... p-pera, 100 pesos nalang kasi yung pera ko dito eh, next week pa sahod ko" sagot ko, nag tatrabaho na kasi uli ako ngayon bilang janitress dahil medyo okay na si lola.
"Dahil may extra money ako dito bibigyan kita ng 500 pesos.. pero utang yon ha!" sabi ni Tots sakin, tumingin ako sa kanya
"T-Talaga? S-Salamat Tots ha, hayaan mo next week babayaran ko" sabi ko sa kanya, nahihiya ako pero wala na akong choice, ngayon lang ako makakabawi kay Jema.
"Sige, bibigyan din kita ng 300, sayo na yon!" sabi naman ni Ced
"Ako din, 500 pesos, bigay ko nalang sayo!" pahabol ni Kamuy
"Hoy! Ambag din ako, 300 petot!" sabi ni Gel kaya natawa ako
"Tsk! Sige na nga! Bigay nalang din yung akin!" sabi ni Tots
Na-touch ako dahil sa ginawa nila, hiyang hiya na talaga ako sa kanila.
"Thank you sa inyo ha!!" sabi ko sa kanya, "Yung bibilihin ko nalang yung poproblemahin ko!" dagdag ko pa
Sabay sabay silang tumingin sakin.
"Ano ba yan! Puro naman problema naririnig ko sayo! Tutulungan ka nalang naming mamili!" yamot na sabi ni Ced habang nagkakamot ng ulo kaya sabay sabay kaming tumawa
Ilang oras pa ang nakalipas tapos na naming ayusin yung lugar kung saan kami magdi-dinner ni Jema.
"Hay Salamat! Natapos din! Tara na, bili na tayo ng pang gift mo Deans! Susunduin ko pa yung Queen mo eh!" sabi ni Kamuy
"Sige sige!" sabi ko
Agad kaming umalis nila Gel, Tots, Kamuy at Ced, pumunta kami sa pinakamalapit na mall, baka kasi kulangin kami sa oras.
Pagdating namin sa mall bumili kami ng flowers.
"Deanna, anong gift mo kay Jema?" tanong ni Tots sakin
"Ahh iniisip ko pa eh" sagot ko, pumasok kami sa isang jewelry shop.
"hikaw kaya?" tanong ni Ced
"Bracelet nalang" sabi naman ni Kamuy