Part 62

1.2K 68 10
                                    

Jema's POV

Pagdating namin sa bahay napatingin samin sila Bea, nakita ko din na nakaupo sa sofa si Jov.

"Oh! Ayan na pala sia Deanna, anong nangyare dyan kay Jema? Bat karga karga mo? Saka bat basa kayo?" nag aalalang tanong ni Bea

"Nasugatan sya" sagot ni Deanna

"Bakit??" nag aalalang tanong ni Bea

"Ahmm n-nakatama lang yung tuhod ko sa bato" ako na yung sumagot

Dahan dahan akong ibinaba ni Deanna sa sofa

"Bei, pwedeng paki asikaso si Jema?" tanong ni Deanna kay Bea

"Sige, ako ng bahala sa kanya" sabi ni Bea

Tingnan mo yan, sya yung may kasalanan kung bakit ako nasugatan tapos ipapaasikaso sa iba...

Lumapit si Deanna kay Jov.

"Jov, napadalaw ka?" tanong ni Deanna kay Jov habang nakangiti

Ay, kaya naman pala, may aasikasuhing iba...

"Bat basa ka?" tanong ni Jov sa kanya

"Ahh, hahaha tumalon kasi ako sa dagat" sagot ni Deanna habang nakangiti, "Bakit ka nga napadalaw?" tanong uli ni Deanna

"Hala! ininvite mo kaya ako dito kahapon, nakalimutan mo?" tanong ni Jov kay Deanna

"Owww!! hahahah! Oo nga pala, sorry, sorry, dito kana mag lunch" sabi ni Deanna

"Oo nga Jov, dito kana mag lunch, saka chill chill tayo mamaya" sabat sa kanila ni Tots

"Sige ba" sabi ni Jov habang nakangiti

Hindi pa tapos si Bea sa pag gagamot sa sugat ko pero dahan dahan akong tumayo.

"Oh, Jema, hindi pa ako tapos" sabi ni Bea

"Okay na ako Bei, hindi naman kasi mangyayare to kung hindi dahil sa isa dyan!" parinig ko pagkatapos iika ika akong naglakad papunta sa kwarto namin, nilapitan ako ni Kyla at inalalayan nya ako, "Thank you bes" sabi ko sa kanya

Kahit nahihirapan akong maglakad pinilit kong maligo at magbihis.

Pagkatapos kong magbihis nag stay muna ako dito sa kwarto.

"Bes, hindi ka pa lalabas? Umalis lang saglit sila Deanna, hintayin muna natin sila nago tayo kumaen" sabi ni Kyla

"Saan sila pumunta?" tanong ko

"May binili" sagot ni Kyla, tumango lang ako

"S-Sinong kasama nya?" tanong ko

"Sila Bea, tapos sumama din si Jov" sagot ni Kyla, tumango lang ako

Hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko, nakakaramdam ako ng inis. Dapat hindi ko to nararamdaman..

Huminga ako ng malalim.

"Bes, okay ka lang?" tanong ni Kyla sakin, tumango ako

Maya maya dumating na sila Deanna, may mga dala na silang inumin.

"Guys! Lunch na tayo, gutom na ako!" sabi ni Tots

Nagsimula na kaming kumaen.

Habang kumakaen kami napapatingin ako kila Jov at Deanna, magkatabi kasi sila at nagbubulungan.

"Share naman ng pinag uusapan nyo dyan hahah!" sabi ni Ced kila Deanna at Jov

"Ahh, hahaha may tinatanong lang si Jov sakin" sabi ni Deanna habang nakangiti

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon