Part 16

1.1K 57 5
                                    

Jema's POV

Pabalik kami ngayon ni Bea sa Ateneo para kunin yung car ko. 

Nagpunta kasi kaming dalawa sa mall kanina at car nya lang yung dinala namin, hindi din sumama si Kyla dahil may pupuntahan daw sya. 

"Okay na ha... hindi kana galit sakin" sabi ko sa kanya

"Oo na po, nagtampo lang naman kasi ako kahapon eh" sabi nya, ngumiti naman ako

Nang makarating kami sa Ateneo ibinaba nya ako kung saan nakapark yung sasakyan ko. 

"Jema, ingat ka pauwi ha" sabi nya sakin

"Yes po. Ingat ka din Bea" sabi ko sa kanya

"Oo naman, para sayo hehe" sabi nya sabay kindat kaya natawa ako

"Haha baliw ka talaga, alis na!" pangtataboy ko sa kanya, natatawa naman syang nagdrive palayo

Sumakay ako sa sasakyan ko  at nag drive na ako palabas. 

Hay! hindi ko nakita ngayong hapon si Deanna. 

Nang makalabas ako sa Ateneo napatingin ako sa labas ng bintana ko at may umagaw ng atensyon ko... yung apat na tao na para bang nag aaway kaya dali dali akong bumaba ng sasakyan ko at naglakad palapit sa kanila.

Nagulat ako ng nakita kong sinapak ng isang naka maskara yung babae. 

"HOOYYY!!!" sigaw ko, napatingin sakin yung tatlong nakamaskara, nakita kong binato nung isa yung bag sa babaeng nakadapa sa lapag at tumakbo na sila palayo. 

Patakbo akong lumapit sa babaeng nakadapa sa lapag, at laking gulat ko nang makilala ko sya...

"Deanna!!" tawag ko sa kanya, nang makalapit ako sa kanya tinulungan ko syang tumayo, nakaramdam din ako ng awa dahil may dugo yung labi nya, nakita ko din na may luha sa mga mata nya, "OMG! anong ginawa nila sayo?!" nag aalalang tanong ko sakanya, umiling naman sya habang umiiyak

Agad ko syang niyakap, habang yakap yakap ko sya narinig ko yung hikbi nya kaya hinagod ko yung likod nya. 

Maya maya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at dinampot ko yung bag nya. 

Sira yung strap... 

"Halika Deanna, don ka muna sa bahay tumuloy, gagamutin natin yang sugat mo" sabi ko sa kanya, tumingin sya sakin

"U-Uuwi nalang ako Jema" sabi nya, tinaasan ko sya ng kilay

"Nang ganyan ang itsura mo? Pag aalalahanin mo pa yung lola mo?!" pagsusungit ko sa kanya, hinawakan ko sya sa kamay nya at hinila papunta sa sasakyan ko, nang makalapit kami sa sasakyan ko pinagbuksan ko sya ng pinto

"Pasok..." utos ko sa kanya

"Pero Jema mag aalala yung lola ko" sabi nya sakin

"Tawagan mo nalang yung lola mo, sabihin mong hindi ka makakauwi kasi may group study kayo" utos ko sa kanya

"P-Pero---"

"Deanna.... please! Tingnan mo yang itsura mo ang dumi mo!" sabi ko sa kanya, tiningnan nya yung damit nya, "Pumasok kana" utos ko sa kanya, wala naman syang nagawa kundi ang pumasok sa sasakyan ko. Nang makapasok sya pumunta na ako sa drivers seat at nag drive. 

Habang nag dadrive ako nakita kong hawak hawak nya yung cellphone nyang de-keypad at para bang nag ti-text.. 

Baka nagpapaalam...

Maya maya binulsa na nya yung cellphone nya. 

"Nakilala mo ba yung gumawa nyan sayo?" tanong ko sa kanya, nakita kong umiling sya

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon