Part 46

1K 51 93
                                    

Deanna's POV

Ilang araw na din yung akakalipas simula noong nag monthsary kami ni Jema.

Napatingin ako sa bracelet na suot ko.

Ito yung gift nya sakin. Nilagay nya to sa wrist ko habang natutulog ako nung gabing magkatabi kami.

"Deanns!" napatingin ako sa tumawag sakin

"Ced, bakit?" tanong ko sa kanya

"Pinapatawag ka ng tito ko" sabi nya sakin, bigla akong kinabahan

Tungkol ba yon sa exam?

"B-Bakit daw?" utal na tanong ko sa kanya

"Sasabihin yata kung sino yung mga pumasa" sagot nya, napalunok ako dahil sa sagot nya

Sinamahan ako ni Ced papunta sa office ny tito nya.

Tok! tok! tok!

Katok ni Ced.

"Come in!" sigaw ng tito nya

Pinihit ni Ced yung doorknob at binuksan yung pinto, nauna syang pumasok at sumunod ako sa kanya.

"Oh, Deanna, nandito ka na pala" sabi ng tito ni Ced habang nakangiti

"U-Uhm S-Sir gusto nyo daw po akong m-makausap?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin habang nakangiti

"Yes, and I just want to congratulate you... kasi ikaw yung nakapasa, ikaw yung ipapadala sa US para mag aral ng libre... free na lahat, may allowance ka pa" sabi ng tito ni Ced

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ced at bakas sa mukha nya yung saya.

"Shit! Deanna! Makakapag aral ka sa ibang bansa!!" masayang sabi ni Ced

"S-Scholar na ako??!" hindi makapaniwalang tanong ko

"Oo! Kaya congratulations! Pero syempre kailangan mong mag decide muna, tutuloy ka ba o hindi? Meron kang 2 weeks para mag decide" sabi ng tito ni Ced

Bigla akong nalungkot nang sabihin nya yon.

Oo nga pala, kapag aalis ako maiiwan ko si Lola, Peter, yung mga kaibigan ko at lalo na si Jema... pano na to??

Nakita kong tumingin sakin si Ced.

Kapag pumunta ako sa US makakapag aral ako ng hindi na napapagod, hindi ko na kailangan magtrabaho, sure din na makakatapos ako ng pag aaral, pero may mga kailangan akong i-sacrifice...

Kaya ko bang i-sactifice yon??

Napalunok ako.

"A-Ah Tito pag iisipan muna ni Deanna, babalik nalang kami dito" sabi ni Ced

"Sige, kapag nakapag decide kana Deanna kailangan mo ng iready yung mga documents mo" sabi ng Tito ni Ced

"S-Sige po, t-thank you po" sabi ko sa kanya

"Sige, natutuwa talaga ako at ikaw yung pumasa ija, congrats!" sabi nya sakin, tumango ako

"T-Thank you po" sabi ko

Nang makalabas kami sa office ng tito ni Ced tumigil ako sa paglalakad.

"Deanns, ano? T-Tutuloy ka ba? S-Sayang yon" sabi ni Ced

"P-Pero paano si Lola? si Peter? si J-Jema?" tanong ko sa kanya

"Ano ka ba, alam kong maiintindihan ka nila" sabi ni Ced

"S-Sila lola alam kong maiintindihan ako, p-pero si Jema, n-natatakot akong iwan sya, b-baka... b-baka iwan nya ako" sabi ko kay Ced

"Tsk! Kasi naman eh! Pero kung hindi mo kukunin yon sayang! Wala ka ng babayaran, pwede mong ibigay sa lola at kapatid mo yung allowance mo, tapos pwedeng hindi kana magtrabaho..." sabi nya sakin

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon