Part 66

1.2K 66 33
                                    

Jema's POV

Pagkatapos kong kumanta bumalik na ako sa upuan ko.

Nagtuloy tuloy yung inuman namin hanggang sa lumalim yung gabi. Medyo may tama na ako pero maayos pa naman yung pag iisip ko.

Napatingin ako kay Deanna, lasing na din sya, nakikipag biruan na sya kila Bea.

"Guys, hatid ko lang si Jov ha!" paalam samin ni Deanna

"Samahan na kita Deanns" sabi ni Bea

"Sama din ako!" sabay na sabi ni Tots at Gel

"Ako dito lang ako sa bebi ko.." sabi naman ni Kamuy

Lumapit si Bea kay Jho para magpaalam

"Love, sasamahan lang namin si Deanna ha" paalam ni Bea, pagkatapos may binulong si Bea kay Jho

"Okay love, ingat ha" sabi ni Jho

Naglakad na sila palayo at habang naglalakad sila palayo nakatingin lang ako sa likod ni Deanna hanggang sa mawala sila sa dilim.

Tumabi sakin si Kyla

"Bes, kamusta?" tanong nya sakin

"Okay lang na--"

"Yung puso mo?" putol nya sa sasabihin ko, kumunot yung noo ko

"O-Okay lang, m-masaya kami ni Ella, bakit?" tanong ko sa kanya

"Eh anong lagay ni Deanna sayo?" tanong nya sakin

"W-Wala.." utal na sagot ko

"Eh bakit parang apektado ka parin?" tanong ni Kyla, nakikinig lang samin sila Ate Aby, Kamuy, Jho at Ced.

"Hindi ako apektado" sagot ko sa kanya, ngumisi naman sya

"Apektado ka parin..." sabi nya sakin

"Hindi nga sabi!" inis na sabi ko

"Bakit kaya hindi ka tumingin sa salamin pagkatapos mong makita sila Deanna at Jov na magkasama para naman makita mo yung reaction ng mukha mo at baka maniwala ka sakin na apektado ka pa nga?" tanong nya sakin

"Tama!!" sang ayon ni Ced, tiningnan ko isa isa yung mga mukha nila at halos lahat sila sang ayon sa sinabi ni Kyla

"Bes, akala mo ba hindi namin napapansin? Hindi kami manhid, matagal na tayong magkakaibigan at kilalang kilala kana namin" sabi uli ni Kyla, hindi ako nakapagsalita

"Jema mahal mo pa ba?" tanong ni Jho sakin

Hindi parin ako nakapag salita.

"Silence means yes.." sabi ni Ced

Huminga ako ng malalim.

"Sige, sabihin na nating meron pa nga.. Oo mahal ko pa sya, pero hindi ibig sabihin non makikipagbalikan ako sa kanya" sagot ko habang nakakunot noo

"Hindi naman namin sinabi na makipagbalikan ka eh" sabi ni Kyla, "Ikaw lang yung nag iisip nyan" dagdag nya pa

Oo nga naman...

"So anong balak mo?" tanong sakin ni Jho

"Wala... wala naman akong dapat gawin" sagot ko

"Magpapakasal ka parin kahit na mahal mo parin sya?" tanong ni Kyla sakin, tumingin ako sa kanya

"Mahal ko din si Ella..." sagot ko

"Magpapakasal ka na dalawa yung mahal mo??" tanong nya sakin

"Alam mo Kyla alam kong mawawala na din tong feelings ko kay Deanna, okay? Kaya wag na kayong mag alala" sabi ko sa kanila, "Okay na kami.." dagdag ko pa

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon