Jema's POV
Kamusta na kaya si Deanna??
Pasukan na bukas, sana naman makita ko sya...
Magiging classmate ko pa kaya sya? kahit sana sa isang subject lang...
Hindi na ako nakapagpaalam kay Deanna noong nasa Zambales kami, agad kasing nagdecide si papa na bumalik dito sa Manila dahil nagkaproblema sa business nya, pero agad namang naayos iyon.
"Ate.. nandito si Ate Bea" rinig kong sigaw ni mafe sa labas ng pinto ng kwarto ko
"Sabihin mo saglit lang" sigaw ko din, bumangon ako mula sa pagkakahiga ko.
Oo nga pala, may usapan nga pala kami na pupunta kami ng mall ngayon.
Mabilis akong naligo at nagbihis.
Best friend ko si Bea, minsan Bea ang tawag ko sa kanya, madalas Bei. High school palang magkakilala na kami, sobrang bait nya, napakagalang, matalino, generous, cool, lahat ata nasa kanya na, kaya marami ding nagkakagusto sa kanya sa school. Meron pa kaming isang best friend, si Kyla...
Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Bei katabi nya si mama habang umiinom ng juice, nang makita nya ako muntik na syang masamid.
"Oh, nandito na pala si Jema... hay nako Jema kanina pa to dito si Bei.." sabi ni Mama
"Sorry Bei, nakalimutan ko may lakad pala tayo ngayon hahah.." sabi ko, napanguso sya at tumayo
"Grabe naman... ang bad mo talaga Jema, napag usapan na natin kagabi to tapos kinalimutan mo, bukas na yung pasukan, lubusin naman natin yung bakasyon.." sabi nya sabay akbay sakin, hinampas ko sya sa braso
"Miss mo lang ako eh.." sabi ko
"hshdbdjdndjdn" bulong nya, hindi ko narinig kasi sobrang hina.
"Ano?" tanong ko sa kanya
"w-wala..." nakangiwing sabi nya, "Jema... alis na tayo..." aya nya, tumango ako
"Oo nga pala, dadaanan natin si Kyla diba?" tanong ko
"Oo kaya tara na" sabi nya, tumingin sya kay mama, "tita, aalis na po kami ni Jema, thank you po" sabi nya kay mama
"Ingat kayo ha, umuwi ng maaga" sabi ni mama samin
"Yes po" sabay naming sagot ni Bei
Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya napansin kong tingin ng tingin sakin si Bei
"Gandang ganda ka nanaman sakin..." irap ko sa kanya, natawa naman sya at napakamot sa ulo
"Kapal..." sabi nya
"Tara na.. natawagan mo na ba si Kyla?" tanong ko
"Oo, nagbibihis na daw sya" nakangiting sabi nya.
Nang makapasok kami sa sasakyan nya agad kaming umalis.
"Jema, kamusta naman yung pagpunta nyo sa Zambales?" tanong ni Bei sakin habang nagda-drive
"Okay naman.. masaya syempre, sayang nga umuwi agad kami kasi may emergency" sabi ko
"Talaga? Pero atleast naenjoy mo diba?" tanong nya sakin
"Oo naman, nagkaroon ako ng bagong kaibigan" sabi ko sa kanya, napatingin sya sakin
"R-Really? Sino?" tanong nya sakin, ngumiti ako
"Si Deanna.. kilala mo sya" sabi ko, kumunot yung noo ni Bei
"Deanna? sino yun?" tanong nya
"Yung classmate natin sa isang subject, Physical Education ata yon.. yung bihira magsalita..." sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/325152780-288-k107863.jpg)