Part 59

1.3K 75 28
                                    

Deanna's POV

Habang tinutulungan namin si Jov nagkukwentuhan kaming dalawa.

"Kanina pumunta yung mga pamangkin mo sa bahay na tinutuluyan ko" sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya

"Oo nga, ang aga nilang magpaalam sakin, pupuntahan ka daw nila para iinvite sa birthday ni Argus bukas" sabi ni Jov

"Oo nga, sinabi nya na sakin kanina" sabi ko

"Napapayag ka naman ba?" tanong nya sakin, napangiti ako

"Hindi ako nag promise, pero sinabi ko na susubukan kong pumunta" sabi ko

"Naku! Alam mo ba na ikaw yung bukang bibig ng dalawa kagabi?" sabi nya sakin kaya natawa ako, "Doon naman tayo" sabi nya, bubuhatin na nya sana yung gamit nya pero inunahan ko na sya

"Ako na" sabi ko

"Thank you..." sabi nya

"Alam mo, ang dadaldal ng pamangkin mo, lalo na si Kulot, hahaha kung ano anong pinagsasabi kanina" sabi ko

"T-Tulad ng ano?" tanong nya sakin

"Na crush mo daw ako---"

"Araaayy!!" nagulat ako ng biglang matapilok si Jov kaya agad kong ibinaba yung gamit nya at mabilis ko syang nilapitan

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya

Lumapit na din samin sila Tots at Gel

"Okay ka lang Jov? Dahan dahan lang, maraming mga sanga dito.." sabi ni Tots

"O-Okay lang ako, natapilok lang h-heheh!" sabi ni Jov

Inalalayan ko syang tumayo.

"Arraaay!" rinig kong daing ni Jema kaya napatingin ako sa kanya, nakita kong nakaupo na sya, gusto ko sana syang lapitan kaso hindi ko mabitawan yung kamay ni Jov, baka kasi kapag binitawan ko sya baka matumba sya

Nilapitan nila Gel si Jema.

"Jema, natapilok ka din? Mag ingat ka din kasi!" sabi ni Gel, napatingin sakin si Jema kaya nagtama yung mga mata namin.

Maya maya iniwas ko na yung tingin ko sa kanya, inalalayan ko na si Jov papunta sa puno na nakatumba at pinaupo ko sya doon.

"M-Magpahinga muna tayo.." sabi ko kay Jov

"Oo nga, napapagod na din ako eh" sabi ni Jov sakin

Sinulyapan ko uli si Jema at nakita kong inaalalayan na sya nila Tots.

Gusto ko sana syang lapitan, pero baka kung anong isipin ng mga kaibigan ko.

"Jema, dapat kasi hindi kana pumunta dito" rinig kong sabi ni Tots sa kanya

"Kaya nga... sinabihan kana ni Deanna kanina pero hindi ka parin nakinig" sabi naman ni Gel, "Mukhang napilayan kapa tuloy" dagdag pa ni Gel

Umupo ako sa tabi ni Jov.

"Oh" napatingin ako sa inaabot nya sakin

Towel?

"A-Ano yan?" tanong ko sa kanya, natawa naman sya

"Hahah! Towel" sagot nya

"Yeah! I know... I mean anong gagawin ko dyan?" tanong ko sa kanya,

Nagulat ako nang bigla nyang punasan yung noo ko.

"Ipunas mo dyan sa pawis mo.. hahah!" sabi nya

"Ahh, t-thank you" sabi ko, inamoy ko yung towel kasi ang bango

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon