Part 19

1.1K 55 25
                                    

Deanna's POV

Pagpasok ko sa room agad na lumapit sakin si Gel at si Kamuy.

"Huy! Deanna, anong nangyare dyan sa labi mo? May nakaaway ka ba?" nag aalalang tanong ni Kamuy sakin

Tumingin ako saglit kay Tots at nakita kong nginisihan nya ako.

"Wala, nabangga lang kasi ako sa tatlong poste kagabi kaya nagkaroon ng sugat" sagot ko habang nakatingin kay Tots, agad namang napansin ni Gel na nakatingin ako kay Tots

"Bakit ka nakatingin kay Tots?" tanong nya sakin

"Wala" sagot ko, naglakad na ako papunta sa upuan ko, sumunod naman silang dalawa sakin

Wala pa si Ced.

"Hindi daw papasok ngayon si Ced, may aayusin daw sya" rinig kong sabi ni Gel

"Kaya pala wala pa sya" sabi ni Kamuy

Maya maya may dumating ng prof at nagsimula na syang magturo.

Habang nagtuturo yung prof namin bigla kong naalala yung nangyare kagabi kaya napahawak ako sa labi ko at lihim akong napangiti.

Binuklat ko yung notebook ko at sinulat doon yung pangalan ni Jema.

Ilang oras pa yung lumipas lunch time na, sabay sabay kaming tatlo nila Kamuy at Gel na pumunta ng canteen para kumaen, kaso habang naglalakad kami biglang may tumawag sakin mula sa likod ko.

"Deanna" nilingon ko yung tumawag sakin

Bea...

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nya sakin ng makalapit sya samin

"Now na?" tanong ko sa kanya

"Yes" sagot nya

"Okay" sabi ko, nauna na syang maglakad kaya sumunod naman kami sa kanya, nang mapansin nyang kasama ko parin yung dalawa agad syang huminto.

"Wait... hindi ko sinabing kasama kayo" sabi ni Bea sa dalawa

"Wala kang magagawa, gusto naming sumama kay Deanna eh" sabi ni Kamuy

"Gusto ko syang makausap ng kaming dalawa lang" sabi nya sa dalawa, "Kaya please..." pakiusap nya sa dalawa, tumingin ako kay Kamuy at Gel

"Sige na, okay lang ako, mag uusap lang naman kaming dalawa" sabi ko sa kanila

"Okay, basta tawag ka kung may problema" sabi ni Gel, tumango naman ako

Naglakad uli kaming dalawa ni Bea hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya, pinagbuksan nya ako ng pinto kaya sumakay na ako.

Nang makasakay na sya sa sasakyan nya agad syang nag drive.

Habang nasa byahe kami nakita ko yung picture nilang tatlo nila Jema at Kyla.

Mukhang alam ko na kung bakit gusto nya akong kausapin. Alam kong tungkol ito kay Jema.

Maya maya tumigil kami sa isang Starbucks, bumaba na sya ng sasakyan nya kaya bumaba na din ako at sumunod ako sa kanya papasok ng Starbucks.

"Anong gusto mo?" tanong nya sakin

"Wag na, salamat nalang" sagot ko, hindi nya ako kinibo at pumila na sya sa counter, ako naman umupo na ako sa pangdalawahang upuan.

Nang makapag order na si Bea agad syang lumapit sakin.

"Oh, binilihan na din kita, baka magutom ka nakakahiya naman" sabi nya, inilapit nya sakin yung isang iced coffee at cake.

"Pwede bang deretsuhin mo na ako kung anong pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya, ngumisi naman sya

"Kumaen muna tayo, nagugutom na ko eh" sabi nya

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon