Jema's POV
Saturday...
Ilang araw na yung nakakalipas...
Pinapansin na ako ni Deanna, hindi na din sya umiiwas sakin.
Okay na din kami ni Bea, nag sorry uli sya sakin, nag sorry din naman ako sa kanya dahil alam kong may mga nasabi din akong hindi maganda, nag iyakan din kaming dalawa.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag iisip.
Ano kaya kung puntahan ko si Deanna sa school? Alam ko kasing nandon sya ngayon dahil may trabaho sya.
Mabilis akong tumayo sa kama ko para mag asikaso.
Isang oras pa ang nakalipas lumabas na ako sa kwarto ko.
"Oh, saan nanaman ang punta?" tanong sakin ni Mafe
"Sa school.." sagot ko sa kanya
"Aba, nasobrahan naman ata yung pagkamasipag mo sa pag aaral?? Saturday ngayon ha??" sabi nya sakin, tinaasan ko sya ng kilay
"Bakit? bawal ba?? pupuntahan ko lang si Deanna.." sabi ko sa kanya
"Talaga? Sama ako te.. ang tagal ko ng hindi nakakakwentuhan si Ate Deanna e" sabi nya sakin
"Ayaw.. dito ka lang" sabi ko
"Daya" sabi nya habang naka pout
Naglakad ako kung saan nakasabit yung susi ng sasakyan ko pagkatapos lumabas na ako at nagpunta sa sasakyan ko.
Ilang minuto lang nakarating na ako ng school, pagbaba ko ng sasakyan ko hinanap ko kaagad si Deanna.
Nasaan kaya sya??
Habang naglalakad ako biglang may tumawag sakin mula sa likuran ko
"Jema.." lumingon ako at nakita ko si Kamuy, napangiti ako nang makita ko na kasama nya si Deanna.
Lumapit ako sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Deanna
"Wala, pupuntahan sana kita e" sagot ko habang nakangiti
"B-Bakit?" tanong nya sakin
"Baka aayain kang lumabas Deanns, hahaha sabagay day off mo naman ngayon" sabi ni Kamuy, napatingin sa kanya si Deanna, "Tama diba Jema? aayain mo syang mamasyal??" tanong ni Kamuy sakin
"H-Ha?? O-Oo sana.." sagot ko, kahit hindi naman, ang balak ko lang talaga ay puntahan si Deanna.
"H-Ha? anong day off??" kunot noong tanong ni Deanna kay Kamuy
"Oo kaya hahahah, sige na, sama kana kay Jema.." sabi ni Kamuy pagkatapos inakbayan nya si Deanna at may binulong.
"Sige na Deanns, bye.. ingat kayo ha.." paalam ni Kamuy samin
Nang makaalis si Kamuy tumingin ako kay Deanna.
"Day off mo pala? Gusto mo bang mamasyal tayo?" tanong ko sa kanya
"S-Saan pupunta?" tanong nya sakin, napangiti ako
"Alam ko na! mag Tagaytay tayo..." sabi ko sa kanya
"Tagaytay? Malayo yun ha.." sabi nya
"May sasakyan akong dala.. tara" sabi ko, lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay nya pagkatapos hinila ko sya papunta sa sasakyan ko
Nang makasakay kami sa sasakyan ko tumingin sya sakin.
"Sure ka? Tagaytay?" tanong nya saki
"Oo nga.." sagot ko sa kanya habang nakangiti
