Part 32

1.5K 78 13
                                    

Deanna's POV

Nandito na kami ngayon sa room.

"Deanna, ang laki ng ngiti natin ha!" asar sakin ni Tots, napatingin sakin si Kamuy

"Malamang dahil kay Jema yan haha.." sabi ni Kamuy

Alam na kasi nila na kaming dalawa na ni Jema.

"Hahaha oo nga, pero alam nyo masaya ako para kay Deanna, ngayon ko lang sya nakita na ganyan kasaya" sabi naman ni Gel, "Saka ang alam ko crush ni Deanna si Jema dati pa hahah!" dagdag nya pa

"Weehhh?!" hindi makapaniwalang tanong ni Kamuy

"Oo hahah! Pero hindi naman yung sobrang crush.." sagot ni Gel

"Ayos ha.. crush mo dati, jowa mo na ngayon.. hahahah sana all" sabi ni Tots sabay tingin kay Ced

"Hahahaha ayos yung parinig Tots ha" asar ni Kamuy

Natawa naman ako.

"Deanna, paano kung pumasa ka sa exam? Itutuloy mo ba??" tanong ni Ced sakin, biglang nawala yung ngiti sa labi ko pagkatapos tumingin ako kay Ced

"Oo nga Deanns, pano yun? Anong pipiliin mo? Jema? Or Pangarap mo?" tanong ni Tots

"S-Sa ngayon, ayaw ko munang isipin yan" sagot ko sa kanila

"Ano ba kayo, wag nyo nga munang tanungin ng ganyan si Deanna, ang saya saya nya na nga eh" sabi ni Gel sa kanila

Natahimik nalang ako.

Pero paano nga kung makapasa ako? Siguro naman maiintindihan ni Jema?

Napabuntong hininga ako.

"Nag overthink tuloy sya" sabi ni Kamuy

"Deanns, wag mo munang isipin yon, isang buwan pa naman bago i-announce diba?" tanong ni Tots sakin, tumango lang ako

Maya maya dumating na yung prof namin. Isinantabi ko muna yung tanong ni Ced kanina.

Nagulat ako ng biglang sikuhin ni Gel yung braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" pabulong na tanong ko sa kanya, itinuro nya yung pinto gamit yung nguso nya kaya napatingin ako sa pintuan.

Napangiti ako ng makita ko si Jema doon na kumakaway, nag flying kiss din sya sakin.

Hahaha, ang cute...

Kumaway uli sya at nag sign na aalis na sila, tumango naman ako.

Nang makaalis si Jema biglang nag vibrate yung phone ko.

******
From: Asawa ko <3

I love you... hintayin kita mamaya..
******

Hindi maalis yung ngiti ko habang binabasa ko iyon.

Asawa ko heheheh, binago ko na yung name nya sa phone ko.

Nireplyan ko lang si Jema pagkatapos binulsa ko na yung phone ko.

Kinahapunan, tapos na lahat yung klase namin kaya papunta ako ngayon sa Janitor's room. Hindi na sila sumama sakin dahil may pupuntahan daw sila.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Jema na naghihintay sakin sa tapat ng janitor's room.

Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Bb.." tawag ko sa kanya, napalingon sya sakin, nang makita nya ako napangiti sya

"K-Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako, nagulat ako nang bigla nya akong halikan sa pisngi.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon