Part 18

1.4K 84 33
                                    

Jema's POV

Madilim pa nang magising ako, hanggang ngayon nakayakap parin sakin si Deanna.

Humarap ako sa kanya at tiningnan ko yung mukha nya, napatingin din ako sa labi nya.

May konteng pasa na yung labi nya, kagabi kasi sugat palang to.

Dahil sa kakatingin ko sa labi nya bigla kong naalala yung nangyare kagabi.

Ginawa na namin yung bagay na yon pero wala namang kami, pero aaminin kong nagusguhan ko yon.

Hindi ko akalain na medyo may alam na si Deanna pagdating sa ganong bagay.

Bigla akong natigilan sa naisip ko at halos maningkit yung mata ko habang nakatingin sa natutulog na si Deanna.

B-Baka meron ng nauna kaya medyo marunong na sya??

Hinayaan ko lang matulog si Deanna, tumayo ako at nakita ko yung sirang bag ni Deanna.

Buti nalang pinutol lang yung strap...

Kumuha ako ng pang tahi at tinahi ko iyon..

Pagkatapos kong matahi iyon napangiti ako, lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa sasakyan ko para ilagay doon yung bag nya, pagkatapos bumalik ako sa kwarto ko.

Maya maya ginising ko na si Deanna, at ramdam ko yung pagkailang nya dahil nakayuko lang sya.

Kumuha ako sa cabinet ko ng damit para ipagamit sa kanya sa pagpasok sa school.

"D-Deanna, ito nalang muna yung suotin mo" sabi ko sa kanya, "Mauna ka ng maligo, saka bilisan mo na din kasi baka malate tayo" dagdag ko pa, tumango lang sya pero hindi sya nakatingin sakin

Pumasok sya sa loob ng CR, after 20 mins. lumabas na sya at nakabihis na din kaya ako naman yung pumasok ng CR para maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis inaya ko na si Deanna sa baba para mag breakfast.

Alam kong nahihiya sya sakin, siguro dahil sa nangyare kagabi.

Nang makababa kami napatingin samin sila Daddy na nag aalmusal.

"Oh, diba ikaw si Deanna?" tanong ni daddy sa kanya

"O-Opo, Good Morning po" bati ni Deanna sa family ko

"Ate Deanna dito ka natulog?" tanong ni Mafe sa kanya

"Hmm O-Oo" sagot ni Deanna

"Aba anak, inuuwi mo na pala dito si Deanna ha.. haha!" asar sakin ni daddy kaya tiningnan ko sya ng masama

"Daddy..." saway ko sa kanya, natawa uli sya

"Hahaha okay, nagbibiro lang naman ako, halina kayo dito para makakaen na kayo" aya ni daddy samin

Hinawakan ko yung kamay ni Deanna at inakay ko sya palapit sa lamesa, tabi din kaming dalawa sa upuan.

Agad ko syang binigyan ng plato at nilagyan ko na din ng pagkaen yung plato nya.

"Iha, bakit parang may pasa ka sa gilid ng labi mo?" tanong ni mommy sa kanya

"Uhm, n-napagtripan po kagabi sa labas ng Ateneo, b-buti nalang po at dumating si Jema" sabi ni Deanna

"What?! nakilala mo ba?" gulat na tanong ni mommy sa kanya

"H-Hindi po" sagot ni Deanna

"Nakasuot po kasi ng maskara" sabat ko

"Naku Anak, buti nalang at dinala mo muna dito si Deanna" sabi ni mommy, napatingin ako may Deanna na nakayuko lang

"Kaen ka lang ha" sabi ko sa kanya, tumingin sya sakin at biglang nagtama yung mga mata namin kaya nakaramdam ako ng awkward kaya umiwas agad ako.

Pagkatapos naming kumaen nagpaalam na kami kila daddy at mommy, nagpasalamat din sa kanila si Deanna.

Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko biglang nag salita si Deanna

"J-Jema, y-yung bag ko pala?" tanong nya sakin, lumingon ako sa kanya at nginitian ko sya

"Nasa sasakyan ko na" sagot ko

Nang makapasok kami sa sasakyan binigay ko sa kanya yung bag nya at nakita nya yung tahi kaya napatingin sya sakin.

"Tinahi ko na yan" sabi ko habang nakangiti, tipid naman syang ngumiti

"Thank you" sabi nya, mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya dahil naalala ko nanaman yung nangyare kagabi.

Nagsimula na akong magdrive, at habang nasa byahe kami tahimik lang kami.

Nang makarating kami sa Ateneo agad kong nakita si Bea na nakasandal sa sasakyan nya, kasama nya si Kyla.

Nakita kong umayos ng pagkakatayo si Bea nang makita nya na nagpapark ako.

Pagkatapos kong mag park ng sasakyan nauna akong bumaba ng sasakyan kaysa kay Deanna.

Nang makababa ako lumapit sakin si Bea at si Kyla habang nakangiti

"Good Morning Jema" bati sakin ni Bea

"Good Morning Bea" bati ko din sa kanya, nakipag beso din ako sa kanya, lumapit din sakin si Kyla at nakipag beso din.

Pareparehas kaming napatingin sa sasakyan ko nang bumaba si Deanna.

"Ay wow! Kasama mo pala si Deanna?" tanong ni Kyla sakin, napatingin ako kay Bea na biglang nawala yung ngiti habang nakatingin kay Deanna

"A-Ahh Oo eh" sagot ko

Lumapit samin si Deanna

"Uhm Jema mauuna na ako, thank you ha" sabi ni Deanna sakin

"Sige.. ingat ka ha" sabi ko sa kanya, tumango lang sya pagkatapos tumalikod na sya at naglakad palayo

"Bes, diba damit mo yung suot nya?" tanong ni Kyla sakin

"Ha? Oo, pinahiram ko muna sya" sagot ko, tumingin sakin si Bea at nakakunot noo na sya

"Bakit? bakit kayo magkasama ngayon?" tanong ny sakin

"Ahh sa bahay kasi natulog si Deanna" sagot ko, mas lalong kumunot yung noo ni Bea

"Weh? Edi tabi kayo bes?? Yiieh!" asar sakin ni Kyla, napangiti naman ako

"Oo" sagot ko habang nakangiti

"Bakit sainyo sya natulog?" tanong ni Bea sakin

Ikinuwento ko sa kanila yung nangyare kagabi, pero mukhang hindi parin okay si Bea.

"Grabe, sino kaya yung mga walang hiya na yon? Buti nalang bes dumating ka" sabi ni Kyla

"Oo nga eh" sabi ko pagkatapos napatingin ako kay Bea at kitang kita ko sa mata nya yung lungkot

"Bei okay ka lang?" tanong ko sa kanya

"H-Ha? O-Oo naman" sagot nya pero nakasimangot parin sya

"Selos yan" parinig ni Kyla, tiningnan naman sya ng masama ni Bea kaya mabilis na umiwas ng tingin si Kyla at tumingin sakin, "Bes, anong feeling na nakatabi mo sya? heheh" tanong ni Kyla

Bigla ko nanamang naalala yung nangyare kagabi kaya naman feeling ko namula yung mukha ko.

"O-Okay naman" sagot ko

"Weh? Bakit namumula ka? Hahah" tanong nya

"Wala.. ikaw tsismosa ka talaga!" sabi ko sa kanya

"Tara na guys" saryosong sabi ni Bea at nauna na syang maglakad

"A-Anong nangyare? Okay pa sya kanina diba?" tanong ko kay Kyla

"Nagseselos" bulong nya sakin pagkatapos sumunod na sya kay Bea, wala naman akong nagawa kundi ang sumunod nalang din sa kanila.

Bakit sya magseselos??

------------------

I'm Back!



UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon