Part 74

1.8K 85 37
                                    

Jema's POV

🎶Kung mawawala ka sa piling ko
Hindi ito matatanggap ng puso ko
At bawat pangarap ay biglang maglalaho
Mawawalang saysay ang mabuhay sa mundo🎶

Biglang tumulo yung luha mula sa mga mata ko.

Nakita ko yung mga tao na nakasuot ng puti na tshirt at may hawak na lobo.

🎶Kung masamang panaginip lamang to
Sana ako ay gisingin mo
At sa aking paggising akoy iyong yakapin
At sabihin mong akoy mahal mo rin🎶

Tuloy tuloy yung naging pagpatak ng luha ko, idagdag mo pa yung kanta na nagpapadagdag ng kalungkutan.

🎶Kung mawawala ka
Hindi ko makakayang
Harapin ang bukas ng nagiisa
Kung akoy iiwan mo paano na tayo
Sayang ang pangako sa isat isa
Kung mawawala ka🎶

Kawawa yung mga naiwan nya...

Hindi nya deserve yung mamatay...

Tumulo nanaman yung luha sa mga mata ko..

"*hik!" pag hikbi ko, pinunasan ko yung luha ko

🎶Kung mawawala ka
Hindi ko makakayang
Harapin ang bukas ng nagiisa
Kung akoy iiwan mo paano na tayo
Sayang ang pangako sa isat isa
Kung mawawala ka🎶

Nagulat ako ng bigla kaming lumiko..

"Bb! Wait lang... hindi pa tapos yung song eh!" reklamo ko sa kanya

"Bb seryoso? Kanina pa tayo nakasunod dyan eh, napagkakamalan na tayo na kasama sa nakikilibing, malilate na tayo sa birthday ni Ate Jho, magagalit nanaman yon" sabi nya sakin

Salubong nanaman yung kilay nya..

"Saka tingnan mo, umiiyak ka nanaman" sabi nya sakin pagkatapos pinunasan nya yung luha sa mga mata ko

"Nakakaiyak naman kasi yung kanta, saka ang ganda din kasi ng kantang yon..." sabi ko habang naka pout

"Daig mo pa yung namatayan oh.. Hayaan mo, magdadownload tayo ng ganong song" sabi nya, natawa naman ako

"Osige na nga!" sabi ko pagkatapos lumapit ako sa kanya at isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya. Naramdaman kong hinalikan nya yung noo ko kaya napangiti uli ako.

"I love you Jessica Margarett Galanza!" bulong nya sakin kaya mas lalong lumaki yung ngiti sa labi ko, inilapit ko yung bibig ko sa tenga nya

"I love you more DeannaWongst!" bulong ko sa kanya pagkatapos hinalikan ko yung pisngi nya

Isang taon na din simula noong matapos operahan si Deanna, yung totoo nahirapan yung mga doctor sa operasyon nya, nakailang revive din sila kay Deanna at muntik na nga syang mawala.

Nang matapos yung operasyon ni Deanna bumalik sa normal yung buhay nya.

At oo, kami na uli ni Deanna, hindi natuloy yung kasal namin ni Ella dati. Bago pa man operahan si Deanna kinusap ko na si Ella, humingi ako ng tawad sa kanya, sinabi ko sa kanya na hindi ko kayang magpakasal sa kanya dahil si Deanna parin yung mahal ko.

Nasaktan ko si Ella pero mas pinili nyang intindihin yung nararamdaman ko. Sobrang bait nya talaga... masasabi kong swerte din yung taong mamahalin nya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon