Part 45

1K 55 43
                                    

Jema's POV

Nakatingin ako kay Deanna habang nakaupo kami, kakatapos nya lang din kasi akong isayaw, nakapagpicture na din kaming dalawa.

Sobrang saya ko ngayon, natuwa din ako dahil sa surprise nya sakin.

Kanina pa ako kinikilig dahil sa ginawa nya.

Bawing bawi sya... noong mga nakaraang araw kasi parang wala syang time sakin.

Kanina badtrip ako dahil hindi manlang sya nagtetext, akala ko nga nakalimutan nya yung monthsary namin. Nadamay tuloy si Mafe sa kasungitan ko kanina.

Flashback...

"Ate, hindi kayo magdi-date ni Ate Deanna? Diba monthsary nyo ngayon? Excited ka pa nga eh, diba?" tanong sakin ni Mafe, pairap ko syang tiningnan

"Pwede ba Mafe wag mo ngang mabanggit-banggit yang monthsary! Kumukulo yung dugo ko eh!" inis na sabi ko pagkatapos tumingin ako sa phone ko, kanina ko pa kasi binati si Deanna pero wala syang reply.

"Bat sakin ka nagagalit??" tanong ni Mafe habang nakanguso

"Pwede bang umalis ka sa harap ko?! Naiinis ako lalo eh!" sigaw ko sa kanya

"Oo na!" irap nya sakin pagkatapos umalis na sya

End of Flashback..

"B, baka naman matunaw ako nyan?" tanong ni Deanna sakin, napangiti ako

"Haha, may naalala lang ako" sabi ko sa kanya

"Ano yon?" tanong nya sakin

"Kasi kanina nasungitan ko si Mafe, kasalanan mo kasi! Akala ko nakalimutan mo yung monthsary natin!" irap ko sa kanya, natawa naman sya

"Sorry na!" sabi nya sakin

"Naku DeannaWongst pasalamat ka mahal kita!" sabi ko sa kanya kaya natawa uli sya

Tumayo si Deanna pagkatapos naglakad sya palapit sakin.

"Tara" hinakawan nya yung kamay ko

"S-Saan?" tanong ko sa kanya

"Hmm sa room natin... may staycation din kasi tayo dito" sagot nya, bigla akong kinabahan

"A-Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at ngumiti pagkatapos tinaas baba nya yung kilay nya kaya napalunok ako, "A-Ano nga??!" tanong ko uli sa kanya

"Hahahah! Matutulog syempre!" sagot nya

S-So matutulog kami ngayon ng magkatabi?

Matutulog lang naman diba?

Hinila ako ni Deanna papasok ng hotel, nang makapasok kami ng hotel sumakay kami ng elevator.

Habang nasa elevator kami nakagat ko yung labi ko.

Shit Jema ano bang iniisip mo?

Naku Jema, marami ng nangyare sa inyo ni Deanna pero bakit ngayon ka lang kinabahan?

"Bb, okay ka lang?" tanong sakin ni Deanna, bigla nanaman akong napalunok dahil parang natuyo yung lalamunan ko

"H-ha? O-Oo naman" utal na sagot ko

"Nilalamig yung kamay mo" sabi nya sakin

"N-Nilalamig kasi ako" pagsisinungaling ko

"Ahh... kaya pala" sabi nya pagkatapos binulsa nya sa coat nya yung kamay ko, "Ayan, nilalamig ka pa ba?" tanong nya sakin

"O-Okay na, t-thank you b" sabi ko sa kanya

Ano ka ba Jema... relax lang!

Ting!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon