Huminga ako ng malalim ng makalabas ako sa NAIA Airport.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yes, nakabalik na ako, after 5 years... ang tagal din.
2 years na akong tapos sa pag aaral, 2 years na din akong nagtatrabaho sa isang malaking company sa US. Malaki yung sahod kaya naman masasabi kong maganda na yung buhay namin nila lola ngayon.
Nakabili na ako ng sariling lupa, napatayuan ko na din ng bahay at doon na nakatira sila lola at Peter ngayon, nakabili na din ako ng sarili kong condo at car.
Nagbunga ang lahat ng paghihirap ko.
Bumalik ako dito sa Pilipinas dahil meron akong hahawakan na project. Saakin kasi pinahawak ng boss ko, pinoy kasi yon, kaibigan nya yung client namin dito.
Mabilis akong kumuha ng taxi dahil wala namang sumundo sakin. Wala kasi ni isa sa mga kaibigan ko ang nakakaalam ng pag uwi ko, biglaan lang din kasi.
Pagsakay ko ng taxi sinabi ko sa driver yung address ng bahay namin.
Habang nagdadrive sya binuksan nya yung radio nya.
🎶Di kita malimutan Sa mga gabing nagdaan Ikaw ang pangarap Nais kong makamtam Sa buhay ko ay Ikaw ang kahulugan Pag-ibig ko'y Walang kamatayan Ako'y umaasang Muli kang mahagkan🎶
Dahil sa kanta bigla kong naalala si Jema.
Aaminin ko na hanggang ngayon sya parin yung mahal ko.
🎶Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw Mula noon bukas at kailanman🎶
Hanggang ngayon hindi ko parin sya makalimutan.
Kasalanan ko kung bakit kami nagkahiwalay.
🎶Ikaw at ako'y Sinulat sa mga bituin At ang langit Sa gabi ang sumasalamin Mayroong lungkot At pananabik Kung wala ka'y kulang ang mga bituin🎶
Galit parin kaya sya sakin??
🎶Aasa ako (aasa ako) Babalik (babalik) Ang ligaya aking mithi (sa kin mata) Hanggang sa muling (hanggang) Pagkikita (pagkikita) Sasabihin mahal kita (mahal kita)🎶
Wala na akong naging balita sa kanya simula noong huli kaming nag usap. Hindi na din ako binabalitaan ng mga kaibigan ko.
🎶Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw Mula noon bukas at kailanman Mula noon bukas at kailanman Mula noon bukas at kailanman🎶