Part 7

1.1K 66 3
                                    

Deanna's POV

"Jema!!!" tawag ko, nakita ko kasi sya na naglalakad palayo, lumingon sya at nang makita nya ako agad syang napangiti.

Naglakad ako palapit sa kanya habang nakangiti, nakatingin lang din sya sakin. 

"Hanep! Mukhang manghaharana ka ha" sabi nya sakin

"Hehehe, hindi naman" sabi ko

"Bakit ngayon ka lang? akala ko tuloy bumalik kana ng Manila" tanong nya sakin

"Ahh, nag tour kasi kami nila lola maghapon, kaya heto, ngayon lang nakapunta dito" sagot ko

"Ahh, akala ko umuwi kana ng Manila eh" sabi nya sakin, ngumiti ako

"Hinintay mo ako nu?" tanong ko sa kanya, natawa naman sya

"Hahaha kapal, t-tumambay lang talaga ako dito nuh! k-kasi naboboring ako sa bahay" paliwanag nya

"Oo na.. sino ba naman ako para hintayin mo diba? hahah" biro ko sa kanya, tiningnan nya naman ako ng masama

Naglakad ako papunta sa pwesto nya kanina dahil malilim doon, naramdaman kong sumunod sya sakin

"Marunong ka palang mag gitara?" tanong nya sakin, umupo ako sa buhanginan

"Oo, konte hehe" sagot ko sa kanya, umupo din sya sa tabi ko

"Sample naman.." sabi nya, napakamot ako sa ulo ko

"Nahihiya ako eh" sabi ko sa kanya

"Eh bakit dinala mo pa yan dito kung mahihiya ka lang palang tumugtog?" tanong nya sakin

"E-Eh ang akala ko kasi wala ka dito" sabi ko sa kanya

Hindi ko kasi talaga expect na nandito din si Jema ngayon, iniisip ko kasi kanina baka may family bonding din sila.

"Ay ganon? dali na, sample lang naman" pamimilit nya

"Hindi naman maganda boses ko" sabi nya

"Kahit na.." sabi nya

"Hay! sige na nga.." sabi ko

"Yan! makikinig ako.." sabi nya

"Sige, p-pero wag mo akong tatawanan ha" sabi ko sa kanya

"Oo, promise" sabi nya

"Hanggang chorus lang ha" sabi ko sa kanya

"Sige" sabi nya

Nag strum na ako..

🎶I've been awake for a while now
You've got me feeling like a child now
'Cause every time I see your bubbly face I get the tingles in a silly place🎶

Sinabayan na din ako ni Jema sa chorus..

🎶It starts in my toes and I crinkle my nose Wherever it goes, I always know
That you make me smile, please stay for a while now Just take your time, wherever you go🎶

"Ang ganda pala ng bosea mo eh.." sabi ko kay Jema, ngumiti naman sya

"Hilig ko kasi yung kumanta.." sabi nya sakin

"Talaga? Kaya naman pala eh hahaha.." sabi ko pagkatapos itinabi ko yung gitara ko

"Deanna, gusto mo bang sumama sa bahay mamaya?" tanong nya sakin, napatingin ako sa kanya

"Ha? n-naku! n-nakakahiha naman" sabi ko

"Hindi, ipapakilala kita sa parents ko" sabi nya

Ay wow... pakilala agad sa parents.. char!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon