Jema's POV
Pinapakiramdaman ko lang si Deanna, bigla kasi syang natahimik.
Nagulat talaga ako nung nakita ko sya dito kanina.
Dahil hindi naman sya nagsasalita pinanood ko nalang yung mga alitaptap na nagsisiliparan sa paligid namin.
Maya maya biglang binasag ni Deanna yung katahimikan.
"J-Jema..." tawag sakin ni Deanna kaya lumingon ako sa kanya, hindi sya nakatingin sakin, nakatingin sya sa dagat
"Yes?" tanong ko
"M-Masaya ka ba sa kanya?" tanong nya sakin, hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko
"K-Kay Ella?" tanong ko sa kanya
"Oo" sagot nya
"Oo naman, masaya na ako sa kanya" sagot ko sa kanya, "Mahal na mahal nya ako, sya yung naging sandalan ko noong panahong wasak na wasak ako, sya uli yung nagbigay ng kulay sa mundo ko, k-kung baga sya yung naging tagapagligtas ko noong panahon na lugmok ako" dagdag ko pa
"M-Mahal na mahal mo sya no?" tanong nya sakin, tiningnan ko muna sya at pinagmasdan ko yung mukha nya
"Mahal na mahal..." sagot ko
"S-Sorry..." sabi nya sakin, alam kong naiiyak sya pero pinipigilan nya lang
"Ano ka ba, okay na yon, hindi mo na kailangan mag explain kasi tapos na yon Deanns, napatawad na kita... kahit mag explain ka pa ngayon hindi mo na mababago yung nangyare" sabi ko sa kanya
Huminga ng malalim si Deanna.
"Eh ikaw? K-Kamusta ka naman?" tanong ko sa kanya
Narinig kong ngumisi sya.
"Ako?? W-Wag mo ng tanungin" sabi nya sakin
"A-Ano nga? P-Parang tanga naman to!" sabi ko sa kanya, nakita kong kinagat nya yung labi nya
"Y-Yung t-totoo?" tanong nya sakin, tumango ako
"Oo" sagot ko
"Y-Yung totoo kasi Jema h-hindi ako masaya ngayon... n-naging successful nga ako p-pero hindi ako naging masaya... M-Mas masaya pa ako dati eh, k-kahit mahirap, n-naging masaya naman ako" utal na sabi nya, bigla syang napasinghap
Umiiyak na sya...
Pero bakit bigla akong nasaktan??
"Pero atleast nabigyan mo ng magandang buhay yung kapatid at lola mo" sabi ko sa kanya
"P-Pero nawala ka naman...*hik!" sabi nya sakin habang umiiyak
Hindi ako nakapagsalita, nakatingin lang ako sa kanya.
"J-Jema aaminin kong mahal parin kita... *hik! H-hindi parin nagbabago yon *hik! M-Masakit sakin yung n-nalaman kong ikakasal kana sa iba.. p-pero wala naman akong magawa kasi wala na akong karapatan sayo eh, w-wala akong magawa kundi tanggapin nalang" sabi nya habang umiiyak, hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi nya.
Ilang years na yung lumipas pero ako parin yung mahal nya...
"P-Pero Deanna--"
"W-Wag kang mag alala, h-hindi ko kayo guguluhin, m-makita lang kitang masaya okay na ako don... M-Masakit... p-pero maniwala ka sakin, magiging masaya ako para sa inyo..." sabi nya sakin
Hindi ko alam pero parang tinusok yung puso ko.
"S-Siguro ito na yung magiging closure natin... Congrats k-kasi ikakasal kana! hahah! Magtitiwala ako kay Ella, magtitiwala ako sa kanya na hindi ka nya sasaktan tulad ng ginawa ko... haha!" sabi nya, alam kong pilit lang yung tawa nya