Deanna's POV
Nandito ako ngayon sa room namin, hindi ako makapag focus sa prof namin dahil naaalala ko yung nangyare kagabi samin ni Jema.
Napangiti ako habang nakatingin sa book ko.
"Huy!" nagulat ako ng bigla akong sikuhin ni Tots kaya napatingin ako sa kanya
"Ano ba?!" pabulong na saway ko sa kanya, natawa sya
"hahah! Bakit ka ngumingiti mag isa dyan?" pabulong na tanong nya sakin
"W-Wala! M-Makinig ka na nga lang sa prof" bulong ko sa kanya
Panira ng moment to...
"Baliw kana!" asar nya sakin habang naiiling, napangiti nalang ako
Pagkatapos ng morning class namin tumambay muna kami nila Gel, Ced, Tots, at Kamuy dahil 2 PM pa naman yung class namin.
"Alam nyo ba guys kanina ngumingiti yang si Deanna" kwento ni Tots sa mga kaibigan ko
"Talaga? Hahah baka naaalala si Jema?" tanong ni Gel
"Hahah ewan ko sa inyo.." sabi ko sa kanila habang nakangiti
"Deanna, sila Jema yon diba?" tanong ni Ced sakin habang nakatingin sa malayo, agad akong napatingin sa tinitingnan nya
Nakita ko si Jema, Kyla at Bea na naglalakad.
"Papunta yata sila dito" sabi ni Gel
Nakatingin lang ako kay Jema habang naglalakad sya, maya maya napatingin sya sakin kaya napangiti sya at kinawayan nya ako, automatic naman akong napangiti at kinawayan ko din sya.
"Hi baby!" bati ni Jema sakin ng makalapit sila samin pagkatapos hinalikan nya ako sa lips pero smack lang.
Napayuko ako..
Parang tanga lang.. halikan ba baman ako sa harap ng mga kaibigan ko...
"Yyyiiieeeehh!! Kilig ako!" sabi nila Ced
Hinawakan ni Jema yung chin ko at pinatingin ako sa kanya.
"Bakit ka yumuko?" tanong nya sakin
"E-Ehhh k-kasi... n-nakakahiya sa k-kanila" pahina na sagot ko, natawa si Jema dahil sa sagot ko
"Hahaha, kinakahiya mo ba ako?" tanong nya sakin
"Bb h-hindi.." mabilis na sagot ko, "H-Hindi lang ako sanay" dagdag ko pa
"Ehem! Jema let's go na.." aya ni Bea kaya napatingin sa kanya si Jema
"Ahh oo.. wait" sabi ni Jema pagkatapos tumingin uli sya sakin
"Bb, bye na ha.. see you later.." paalam ni Jema pagkatapos hinalikan nya uli ako sa labi pero mabilis lang pagkatapos sumunod na sya kila Bea
Napayuko uli ako at napangiti..
Ayaw ko kasing ipahalata na kinikilig ako..
Nasipa ko yung bato na nasa paanan ko habang nakangiti.
"Yyiieehh! Haha! Tamisss!! haaaayyy!" sabi ni Gel
"May naiinggit dito haha!" sabi naman ni Kamuy
Tumingin ako sa kanila habang nakangiti.
"Hahah! Kinikilig si Deanna!" asar ni Ced sakin
"Hahah! Tigilan nyo nga ako" sabi ko sa kanila
"Deanna!!" napalingon kami sa tumawag sakin, nagmamadali syang lumapit sakin
Ate Aby...
"Hi honey my labs so sweet!" bati ni Kamuy kay Ate Aby pero hindi sya pinansin nito