Jema's POV
Nakangiti ako habang papunta sa room namin. Masaya ako dahil okay na si Deanna.
Pagpasok ko sa room namin nakita kong nandon na si Bea at Kyla, kaso si Bea hindi sya nakaupo sa upua nya, sa tabi na sya ni Jho nakaupo.
Naglakad ako papunta sa upuan ko pagkatapos umupo na ako.
"Bes, balita ko okay na si Deanna ha.." bulong sakin ni Kyla
"Ah, oo nga.. nakausap ko sya kanina" sagot ko
"Eh kayo ni Bea? Kamusta naman? Okay na kayo?" tanong ni Kyla sakin, umiling ako, "Ay kaya pala sa tabi sy ni Jho umupo, parang medyo close na sila" sabi pa ni Kyla
"Hayaan mo muna sya" sabi ko sa kanya
"Bes, sana naman magkaayos na kayo, mag usap kayo... hindi talaga ako naniniwala na si Bea yung nag utos don sa babaeng yon" sabi ni Kyla sakin
"Hayaan mo Kyla, mag-uusap din kami ni Bea" sagot ko sa kanya
"Dapat mamaya.. wag mong patagalin ha" sabi nya sakin, pilit akong ngumiti at tumango
Nang maglunch na hindi samin sumabay si Bea, nagpaalam lang sya na may pupuntahan daw sya.
Maya maya nakita ko sila Gel pero hindi nila kasama si Deanna.
Nasaan kaya sya?
"Gel" tawag ko sa kanya, lumingon naman sya sakin at kumaway, naglakad sila palapit samin.
"Nasaan si Deanna?" tanong ko sa kanila nang makalapit sila samin.
"Ha? A-Ano..." tumingin si Gel kay Kamuy
"Aahhh p-pinuntahan lang nya yung lola nya" si Kamuy na yung sumagot
Hmm parang nagsisinungaling sila...
"Dito na kayo kumaen" sabi ni Kyla sa kanila
"Sige... wait bibili lang kami ng foods" paalam ni Kamuy, tumango lang ako
"Bes, feeling ko nagsisinungaling sila.. sa tingin mo, iniiwasan ka parin ba ni Deanna?" tanong sakin ni Kyla
"Feeling ko din" sagot ko
"Sa tingin mo ba iniiwasan ka parin ni Deanna?" tanong uli sakin ni Kyla
"Hindi ko alam, kanina naman hindi na nya ako iniwasan" sagot ko
"Bes, may tanong pa ako sayo" sabi ni Kyla
"Ano yun?" tanong ko sa kanya
"Inlove na inlove kana kay Deanna no?" tanong nya sakin, napangiti naman ako, "Ayiiiee! May pagngiti oh.. haha" asar nya sakin
"Baliw..." sabi ko sabay subo ng pagkaen, ramdam ko yung pamumula ng mukha ko dahil naalala ko yung nangyare samin ni Deanna.
"hahaha, natatawa ako sayo Jema, namumula yung mukha mo" sabi ni Kyla sakin, natawa nalang ako
Maya maya bumalik na sila Gel samin, umupo sila at nagsimula na ding kumaen.
"Bakit pala hindi nyo kasabay si Bea?" tanong ni Gel samin
"Hindi pa kasi sila okay ni Jema.." sagot ni Kyla
"Bakit naman?" tanong uli ni Gel
"Kasi dahil don sa nangyare" sagot naman ni Kyla
"Talaga? Alam mo ba nung nalaman ni Deanna na si Bea yung nag utos don kay Riri hindi sya naniwala" kwento ni Gel, napatigil ako sa pagsubo at tumingin ako kay Gel
"Bakit daw?" tanong ko sa kanya
"Alam nya daw kasi na hindi magagawa ni Bea yon" sagot ni Gel, tinapik ako ni Kyla
"Kitams, kahit si Deanna hindi naniniwala" sabi ni Kyla sakin, natahimik naman ako
Nakaramdam ako ng guilt...
Hindi nya kaibigan si Bea, pero naniniwala syang hindi si Bea yung gumawa non.
Mamaya kakausapin ko na si Bea, hihingi ako ng sorry sa kanya.
------
Deanna's POV
Nandito kami ngayon ni Bea sa Starbucks, gusto nya daw kasi akong makausap.
Kakatapos palang mag order ni Bea, nasa harap ko sya ngayon.
"K-Kamusta kana?" tanong nya sakin
"Okay na.." sagot ko, "Uhm, b-balita ko h-hindi pa kayo okay ni Jema" sabi ko sa kanya, napayuko naman sya
"Hmm kasalanan ko naman, alam kong magagalit sya kasi pinagbawalan kitang lumapit sa kanya" sabi nya pagkatapos huminga sya ng malalim, "I'm sorry kung nagawa ko yun, m-mahal ko lang kasi talaga si Jema... p-pero Deanna hindi ko magagawa sayo yung--"
"Alam ko Bei" putol ko sa sasabihin nya, pilit naman syang ngumiti
"Buti ka pa naniniwala.. si Jema hindi sya naniniwala sakin, ilang beses na akong humingi ng sorry sa kanya.." sabi nya sakin, hindi ako nakapagsalita.
"Deanna, k-kalimutan mo na yung napag usapan natin dati... w-wag mo ng iwasan si Jema.. alam kong mahal mo si Jema, at aminado naman si Jema na mahal ka nya... sana... sana w-wag mo syang sasaktan ha... a-alagaan mo sya" sabi ni Bea, alam kong pinipilit nyang hindi maiyak
Pero ano daw? Ako? Mahal ni Jema??
"Pero pano ka?" tanong ko sa kanya, pilit syang ngumiti
"Mapatawad nya lang ako, okay na ako..." sagot nya
Nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Magiging okay din kayo.." sabi ko sa kanya,
"Sana nga.." sabi nya
Pagkatapos naming mag usap ni Bea bumalik na kami sa school.
Pagdating ko sa room namin nakita kong nandon na sila Gel, Kamuy, Tots at Ced.
Simula nang maging okay kami ni Tots palagi na syang sumasama samin, tumabi na din sya samin
"Oh ano? Nakapag usap na kayo ni Bea?" tanong sakin Gel, tumango ako
"Oo.." sagot ko
"Anong sabi nya?" tanong nya sakin
"Nag sorry sya" sagot ko
"Sorry saan?" tanong ni Kamuy
"Kasi pinapaiwas nya ako kay Jema" sagot ko
"Ahh... siguro naman ngayon hindi kana iiwas kay Jema? Hahah, alam mo hinahanap ka nya kanina" sabi ni Gel sakin habang nakangiti, napangiti naman ako dahil naalala ko yung sinabi ni Bea sakin kanina na mahal daw ako ni Jema.
"Ayyyiiieee!! ganda ng ngiti ah.. hahah!" asar ni Kamuy sakin
"Ewan ko sa inyo.." sabi ko sa kanila
"Deanna.. goodluck bukas ha.." bulong ni Ced sakin
Oo nga pala.. bukas na pala yung exam.
"Thank you.." bulong ko din sa kanya
"Oy, anong pinag uusapan nyo?" tanong ni Tots samin
Selos agad??
"Wala... nagugutom daw si Ced.." pagsisinungaling ko, tiningnan ako ng masama ni Ced kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya
"Ano?? Bakit hindi mo sinabi?? Wait! Bibilihan kita ng pagkaen.." sabi ni Tots pagkatapos tumayo sya, natawa naman ako
Inlove nga..
Pinigilan naman sya ni Ced
"Huy! Wag na... darating na yung prof.." sabi ni Ced
"Eh nagugutom ka eh.." sabi ni Tots
"Hindi.. nagbibiro lang yan si Deanna.." sabi ni Ced
"Talaga ha.." paninigurado ni Tots
"Oo nga.. umupo ka nga!" utos ni Ced sa kanya, mabilis naman syang umupo
Napailing nalang ako habang nakangiti, kinuha ko yung book ko at nagbasa..
------
Update guys...
![](https://img.wattpad.com/cover/325152780-288-k107863.jpg)