Part 42

1K 43 0
                                    

Bea's POV

Pagdating ko ng school huminga muna ako ng malalim. 

Galit yung nararamdaman ko ngayon...

Flashback...

"Bea!" napalingon ako sa tumawag sakin

"Jho? Bakit?" tanong ko sa kanya

"B-Bakit nagmamadali ka?" tanong nya sakin

"Ah, important lang, kausap kasi ngayon nila dad yung lalaking humampas sa ulo ni Deanna dati" sagot ko, nakita kong parang kinabahan sya

"H-Hindi pa pala tapos yon?" tanong nya sakin

"Jho, sinabi ko dati kay Jema na papatunayan kong hindi ako yung may gawa non, kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino yung gumawa kay Deanna non!" inis na sabi ko

"P-Pero Bea matagal na yon diba? Okay na kayo ni Jema" sabi ni Jho

"Basta! Aalis na ako" paalam ko sa kanya

"P-Pero Bea-"

"Jho! Pwede ba?? Bukas na tayo mag usap!" inis na sabi ko pagkatapos sumakay na ako sa sasakyan ko.

End of Flashback....

Kaya pala!

Bumaba ako ng sasakyan ko at naglakad papunta sa school. Habang naglalakad ako nakasimangot ako. 

Nang makarating ako sa room namin nakita ko si Jema at si Kyla. 

"Bei!" tawag sakin ni Jema habang nakangiti pero hindi ko sya pinansin, lumagpas yung tingin ko sa kanya at nakita ko si Jho na nakatingin din sakin, bakas sa mukha nya yung pag aalala, agad akong nakaramdam ng inis

Mabilis akong naglakad palapit sa kanya. Nang makarating ako sa harap nya tiningnan ko sya ng masama.

"Bei, okay ka lang?" tanong ni Jema sakin, pero hindi ko sya pinansin, nakatingin parin ako kay Jho

"B-Bakit?!!" galit na tanong ko sa kanya, dahan dahan syang tumingin sakin

"A-Alam mo na---"

"Bakit mo ginawa yon??!!" sigaw ko sa kanya, dahil sa lakas ng boses ko pinagtitinginan na kami ng mga classmate namin.  

"B-Bei" awat sakin ni Jema at Kyla

"Sumagot ka Jho?! Bakit mo ginawa yon?! Anong ginawa ko sayo ha?! Akala ko ba hindi ikaw yung gumawa non?!!" galit na tanong ko sa kanya

"Bei tama na, ano bang ginawa??" tanong ni Jema sakin, tumingin ako kay Jema

"Sya! Sya lang naman yung nag utos kay Riri na paluin si Deanna sa ulo! Inutos nya din na palabasin na ako yung nag utos!" sabi ko kay Jema habang nakaturo kay Jho, "Nagbayad ka pa diba???!" inis na tanong ko kay Jho, bigla syang napayuko

"Hala! Grabe..." bulungan ng mga classmate namin

Inamin ni Riri na si Jho ang nag utos sa kanya na paluin sya sa ulo, binyaran nya ng 10K si Riri para gawin yon. 

Nung nalaman ko yon nakaramdam ako ng galit, inis, panghihinayang dahil naging close na kaming dalawa ni Jho. 

"Binilog mo yung ulo ko Jho! Sinabi mo sakin dati na hindi ikaw yung may gawa non pero ikaw naman pala!!" sigaw ko uli sa kanya

"Bei tama na yan!" saway ni Jema sakin

"Hindi!!" sigaw ko kay Jema, "Jema pinagbintangan mo ako dati, nagalit ka pa nga diba? Halos masira na yung friendship natin dahil lang don!" inis na sabi ko, biglang natahimik si Jema

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon