Part 49

1.2K 69 46
                                        

Jema's POV

"Good morning bes!" bati sakin ni Kyla pagpasok ko sa room namin

"Good morning!" bati ko din sa kanya habang nakangiti

"Oh, natapos mo na ba yung--"

"Oo! Tapos na lahat, tinulungan ako ng baby ko!" putol ko sa sasabihin nya

"Wow! Sinisipag yata mag aral yung bespren ko ha!" asar sakin ni Kyla, natawa naman ako

"Si Bea?" tanong ko sa kanya

"Lumabas saglit" sagot nya sakin, tumango lang ako

Maya maya pumasok si Bea dito sa room namin.

"Grabe! Ang lakas ng ulan!" reklamo nya

"Saan ka ba galing?" tanong ni Kyla sa kanya

"Dyan lang sa labas, may kinausap" sagot nya habang nakangiti

"Sino?" tanong ni Kyla

"Y-yung friend ni J-Jho, uhm p-papasok na daw si Jho bukas" sagot nya habang nakangiti

Kitang kita ko yung saya sa mukha ni Bea.

Inlove na nga hahahah!

"Ayses! Lande!" asar sa kanya ni Kyla kaya sabay sabay kaming natawa

Pagdating ng prof namin nagsimula na syang mag discuss.

Buong maghapon kami naging busy.

Kinahapunan, pagkatapos ng buong klase namin inaya ko sila Bea na pumunta sa room nila Deanna.

Nag text kasi si Deanna sakin, kanina pa daw yung uwian nila, pero dahil malakas yung ulan nag stay daw muna sila sa room nila.

At dahil namimiss ko sya pupuntahan ko sya.

Nang malapit na kami sa room nila Deanna nakita namin na bukas yung pinto ng room nila.

"Deanna, kailangan mo ng mag decide!" rinig kong sabi ni Ced kaya napahinto kami sa paglalakad

"Bes, ano yon?" tanong ni Kyla sakin, sinenyasan ko sila ni Bea na wag maingay.

"P-Pero Ced ang hirap mag decide! Ang hirap mamili eh!" sabi ni Deanna, bigla akong kinabahan

"Ano tutuloy ka ba? Sabihin mo na agad kung tutuloy ka o hindi para masabi ko sa tito ko!" inis na sabi ni Ced

"Deanns, sayang yon kung hindi mo itutuloy" rinig kong sabi ni Tots

"Bes, ano yung pinag uusapan nila?" bulong sakin ni Kyla pero hindi ko sya sinagot

"K-Kung kayo yung nasa posisyon ko alam kong maiintindihan nyo ako, a-ang hirap mag decide! K-Kapag tumuloy ako maiiwan ko yung mga mahal ko dito..  si Lola, si Peter.. l-lalo na si J-Jema... h-hindi ko kaya eh" sabi ni Deanna

"Eh mukhang okay naman sa lola at sa kapatid mo diba? Kasi hindi kana mahihirapan... bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Jema?" tanong naman ni Gel kay Deanna

"M-Mahirap, n-natatakot ako na sabihin sa kanya, k-kinakabahan ako" sagot ni Deanna

"Bes..." tawag sakin ni Kyla, halata na nag aalala sya sakin

Nangingilid na din yung luha ko.

Aalis si Deanna??

Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya pumasok na ako sa room nila, sabay sabay silang tumingin sakin at halata yung pagkagulat sa mga mukha nila.

"J-Jema..." tawag ni Deanna sakin

"A-Aalis ka??" naiiyak na tanong ko sa kanya

"J-Jema--"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon