Part 9

1.1K 52 14
                                    

Deanna's POV

Ilang araw na ang nakakalipas simula ng makabalik kami dito sa Manila. 

Huli kong nakita si Jema noong araw na binigay nya sakin yung bracelet, ang sabi kasi ng caretaker ng bahay nila sa Zambales nagkaroon daw ng emergency kaya agad na bumalik sila Jema dito sa Manila. 

"Deanns!" tawag sakin ni Kamuy, nakita kong magkasama sila ni Gel kaya napangiti ako. 

Oo nga pala, si Gel at si Kamuy matagal ko na silang kilala, hindi lang kami masyadong nagkakasama dahil busy ako sa trabaho after ng class, pero minsan pinupuntahan nila ako para makipag kwentuhan habang naglilinis ako. 

"Oh, bukas pa start ng class ha, bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanila

"Eh nagpasama kasi itong si Kamuy, kaya naisipan namin na puntahan ka dito" sagot ni Gel

Engineering din yung course nila Gel at Kamuy, pero nasa ibang section sila. 

"Saka namimiss ka namin eh" dagdag ni Kamuy, binatukan naman sya ni Gel

"Aray!" reklamo ni Kamuy

"Ang sabihin mo nagsisimula ka nanamang magpalakas kay Deanna, kasi magpapatulong ka nanaman sa mga assignments mo pagdating ng pasukan!" sabi ni Gel kay Kamuy, napanguso naman si Kamuy

"Bakit? Ikaw din naman ha..." sabi ni Kamuy kay Gel, natawa nalang ako sa kanilang dalawa

"Atleast ako minsan lang, eh ikaw halos lahat ng assignment mo kay Deanna mo pinapasagot..." sabi ni Gel kay Kamuy

"Tama na nga kayo, bukas na yung pasukan, dapat sinusulit nyo yung bakasyon" sabi ko

"Eh, bakit ikaw? ni hindi mo nga ata nasulit yung bakasyon mo, puro katrabaho" sabi ni Gel

"Nasulit ko naman, hindi ko nga pala nabanggit sa inyo na nagbakasyon kami sa Zambales" kwento ko sa kanila

"Ahh oo, nabanggit ni daddy sakin yan" sabi ni Kamuy, "Buti nga nakapag relax ka" dagdag nya pa

Daddy kasi ni Kamuy yung boss ko

"Ohh? Woow! deserve mo yan Deanns" sabi ni Gel, 

Habang nagkukwentuhan kami bigla ko nanamang naalala si Jema. 

Bukas makikita ko na uli sya.. ilang linggo ko din kasi syang hindi nakita.

Baka hindi ko na din sya maging classmate ngayon, dati kasi naging classmate ko lang sya sa Physical Education dahil pinapacomplete sakin yung subject na yon, at kilala ko din kasi yung prof na nagtuturo sa kanila. Business kasi yung course nya.

"Deanna, nakikinig ka ba?" tanong ni Gel sakin kaya bumalik ako sa ulirat ko. 

"H-ha? Ano na nga uli yon? Sorry may iniisip lang ako" sabi ko sa kanya

"Hahahaha ayiiee! At sino naman yang iniisip mo?" tanong nya sakin,

"W-Wala..." sagot ko, "Umalis na nga kayo, naglilinis ako eh" pangtataboy ko sa kanila

"Hahaha, sige na nga.. see you tomorrow Deanna!" paalam ni Gel sakin, nagpaalam din sakin si Kamuy

Nang makaalis sila nagsimula na uli akong mag linis. Pagkatapos kong maglinis sa hallway pumunta ako ng library para doon naman maglinis. 

Inabot din ako ng hapon kakalinis sa library, pagkatapos kong maglinis kumuha muna ako ng book at nagbasa-basa. 

Kaya favorite kong linisan yung library para naman pagkatapos kong maglinis makapagbasa ako. 

Dahil nalibang ako sa pagbabasa hindi ko namalayan yung oras at nagulat ako ng biglang namatay yung ilaw.

Napatingin ako sa relo ko.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon