Part 37

1.2K 63 33
                                    

Deanna's POV

Ilang araw na si lola dito sa loob ng hospital.

Nagawa na din lahat ng lab test nya kaya naman walang wala na talaga kaming pera ngayon dahil naubos na.

"Deanna, kailangan uli bumili ng gamot para kay lola, paubos na yung vitamins nya, yung sa highblood, para sa puso" sabi ni Ate Aby

Bigla akong nanghina dahil sa sinabi nya.

"S-Sige ate Aby, m-maghahanap ako ng pera mamaya" sabi ko sa kanya

"Tsk! Wag na, ito nalang ipambili mo" sabi nya sakin pagkatapos inabutan nya ako ng pera

"A-Ate ang dami ko ng utang sayo" sabi ko sa kanya, nahihiya na din ako sa kanya

"Ano ka ba, hindi na kayo iba sakin nuh! Kunin mo na to" pagpipilit nya sakin

Nahihiya kong kinuha yung pera.

"Bukas daw pwede na ding lumabas si lola, kukunin ko yung lahat ng bills mamaya" sabi ni Ate Aby

"S-Sige, b-bibilihin ko lang itong mga gamot nya" paalam ko kay Ate Bea

Wala ako sa sarili habang naglalakad.

Saan kaya ako kukuha ng pera??

Halos araw araw pumupunta yung mga kaibigan ko at si Jema para dalawin si lola, nagdadala sila ng kung ano ano na pwedeng makatulong samin, nahihiya na din ako sa kanila.

Nang mabili ko lahat ng gamot ni lola bumalik na ako sa hospital, habang naglalakad ako nakita ko si Jema.

"Bb" tawag nya sakin habang nakangiti

"Bb, a-anong ginagawa mo dito? W-Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kanya

"Meron, pero dumaan lang ako dito para ibigay to" sabi nya, ipinakita nya sakin yung balot ng Jollibee, "Pagkaen nyo mamaya ni Peter" dagdag nya pa, napangiti ako

"Thank you ha.. nahihiya tuloy ako" sabi ko sa kanya

"Tsk! Ayan ka nanaman sa nahihiya..." hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko, "Gusto kong tumulong sa mahal ko, okay? Kaya naman dalhin mo na yung pagkaen para may pagkaen kayo mamaya... dadalaw din ako dito mamaya after class" sabi nya sakin pagkatapos hinalikan nya ako sa labi pero smack lang, "Aalis na ako" paalam nya sakin, ngumiti ako

"Ingat ka bb, I love you" sabi ko sa kanya

"I love you too!" sabi nya sakin pagkatapos umalis na sya

Bumalik na ako sa room ni lola.

"Ate, may dala kang pagkaen?" tanong ni Peter sakin

"Ahh oo, nakita ko sa labas si Ate Jema mo, binigay nya tong Jollibee, kainin mo na yan" sabi ko sa kanya pagkatapos binigay ko sa kanya yung pagkaen

Nagsimula ng kumaen si Peter.

Makita ko lang syang kumakaen busog na ako...

Tumingin ako kay lola, kakagising nya lang.

Umupo ako sa tabi niya pagkatapos hinawakan ko sya sa kamay.

"Lola, magpagaling kana ha..." sabi ko sa kanya, tumingin sya sakin

"A-Apo, sorry kasi nagpapabigat pa sayo si lola" sabi nya sakin, biglang nangilid yung luha sa mga mata ko

"G-Gumaling lang po kayo, okay na sakin yon la" sabi ko sa kanya, pinunasan nya yung luha ko, "Ilang araw ka ng umaabsent sa klase mo" sabi nya sakin

"La, nakakahabol naman po ako sa lecture, pinapahiram ako ni Gel ng books" sabi ko sa kanya

"Uwi na tayo bukas apo, a-ayaw ko na dito" sabi nya sakin, ngumiti ako

"O-Opo... uuwi na tayo bukas" sabi ko sa kanya

Nag stay lang ako sa tabi ni lola.

Kinahapunan, sabay sabay na dumating sila Jema, Tots, Ced, Gel, hindi nila kasama si Kamuy dahil may practice daw.

"Deans, balita ko pwede ng lumabas si lola bukas?" tanong ni Gel sakin

"Ahh oo" sagot ko

"Edi papasok kana sa school?" tanong sakin ni Tots

"Ahh b-baka sa Monday na ako papasok, tutal Friday naman bukas, babantayan ko muna si lola" sagot ko sa kanya, tumango naman sya

"Alam ko naman na kayang kaya mong humabol sa lecture e" sabi ni Ced sakin

"Bb, natutuwa ako kasi makakalabas na dito si lola, sana tuloy tuloy na yung pag galing nya" sabi ni Jema sakin, nginitian ko sya at hinawakan ko yung kamay nya

"Oo nga" sabi ko

"Oh! Nandito pala kayo" sabay sabay kaming napatingin kay Ate Aby

"Hi Ate Aby" bati nila Ced

"Hello!" bati din sa kanila ni Ate Aby, pagkatapos tumingin sya sakin, "D-Deanna, pwede ba kitang makausap saglit?" tanong ni Ate Aby sakin, napatingin sakin si Jema

"Sige" sabi ko, "Usap lang kami ni Ate Aby ha" paalam ko sa kanila, tiningnan ko din si Jema at nginitian ko sya

Lumabas kami sa room.

"A-Ate Aby, bakit?" tanong ko sa kanya

"K-Kasi nakuha ko na yung bills u-umabot ng 80K, h-humingi ako ng discount kasi senior naman si lola, nagkaroon lang ng 20K discount kaya 60K nalang, pwede akong magbigay ng tulong  p-pero 20K lang yung mabibigay ko, s-so 40K pa ang kulang" sabi ni Ate Aby sakin, napapikit ako dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng 40K

"S-Sige, m-maraming salamat ate Aby, sobrang dami mo ng naitulong samin... ang laki na ng utang na loob ko sayo" sabi ko sa kanya

"Wala yon, k-kaso saan natin kukunin yung 40K?" tanong nya sakin

"H-Hayaan mo ate, m-mamaya hahanap ako p-pag alis nila Jema" sabi ko

"Sige" sabi ni Ate Aby

Bumalik na kami ni Ate Aby sa loob, napatingin ako kay Jema at kitang kita ko yung pag aalala sa mukha nya kaya tumabi ako sa kanya.

"O-Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, pilit syang ngumiti at tumango

"Deanns, a-anong napag usapan nyo ni Ate Aby?" tanong ni Gel sakin

"A-Ahh wala yon, hehe" sabi ko, tumango naman sya, pero para bang hindi sya naniniwala

Maya maya lang nagpaalam na sila Jema sakin, kailangan na daw nilang umuwi, hinatid ko sila hanggang sa labas ng hospital.

"Bye Deanns.." paalam ni Gel sakin

"Ingat" sabi ko sa kanya

"Alis na sin kami Deanns" paalam naman ni Tots at Ced

"Ingat din kayo" sabi ko sa kanila

Nang makaalis sila humarap ako kay Jema.

"Bb, okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ko sa kanya, ngumiti sya

"Wala lang, mamimiss nanaman kasi kita mamayang gabi" sabi nya sakin

"Hayaan mo babawi ako sayo pag nakalabas si lola" sabi ko sa kanya

"Promise?" tanong nya sakin

"Promise!" sabi ko

"Osige na nga, uuwi na ako ha.. text ako sayo kapag nakauwi na ako" sabi nya sakin

"Okay po, I love you!" sabi ko sa kanya

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa labi pero smack lang.

"I love you more!" sabi nya sakin kaya napangiti ako

Nang makaalis si Jema agad akong bumalik sa loob para magpaalam kay lola at Peter 

Kailangan kong humanap ng pera ngayon.

----------

Update guys...

Wawa naman Deanna Wong.. 🥺

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon