Part 39

1.3K 49 6
                                    

Bea's POV

Hanggang ngayon naiinis parin ako kay Jema. 

Hindi nya ba alam na nag aalala ako sa kanya kaya ako naiinis? Quiz pa nga lang bagsak na sya pano pa kaya yung exam??

Aaminin kong hanggang ngayon hindi parin naaalis yung pagtingin ko kay Jema... Kahit pinaubaya ko na sya kay Deanna nasasaktan parin ako kapag nakikita kong magkasama sila...

Habang naglalakad ako biglang may tumawag sakin. 

"Beatriz!" lumingon ako sa likod ko

"J-Jho, bakit?" tanong ko sa kanya

"Saan punta mo? Uuwi ka na? Hindi mo yata kasama yung mga kaibigan mo?" tanong nya sakin

"Ahh, pupunta yata sila kila Deanna" sagot ko pagkatapos pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko, sumunod naman sya sakin

"Bakit hindi ka sumama?" tanong nya sakin, tumingin uli ako sa kanya

"Anong gagawin ko don? Magseselos lang ako" sagot ko, natahimik naman si Jho

Habang naglalakad kaming dalawa nakaisip ako ng idea. 

Tumigil ako sa paglalakad kaya tumingin sya sakin., 

"Bakit katumigil?" tanong nya sakin

"Hmmm, ano kaya kung samahan mo ako ngayon?" tanong ko sa kanya

"S-Saan naman?" tanong nya sakin

"Inom tayo..." aya ko sa kanya

"Ha?? Bakit?" tanong nya sakin

"Wala lang, feeling ko gusto kong uminom ngayon" sabi ko kay Jho

"Sige na nga, sasamahan na kita" sabi nya sakin kaya napangiti ako

Pagdating namin sa sasakyan ko pinagbuksan ko sya ng pinto, nang makapasok sya agad akong sumakay sa driver's seat at nag drive papunta sa pinakamalapit na KTV bar. 

Nang makarating kami sa isang KTV bar nag rent kami ng room. 

Umorder ako ng isanag bucket ng smirnoff. 

"Damayan mo akong uminom ha" sabi ko kay Jho

"Hahah, mukhang ang laki ng problema mo ha" sabi nya sakin, tumawa lang ako

Kinuha ko yung song book at pumili ng kanta. 

Maya maya nai-serve na yung smirnoff pati na din yung mga pulutan na inorder ko. 

"Huy! Mamumulutan lang ako ha" sabi ni Jho sakin

"Ano ka ba, ang KJ naman, uminom ka din kahit one bottle lang" sabi ko sa kanya, binuksan ko yung isang bote ng smirnoff at nilagay ko iyon sa harap nya, "Ubusin mo yan" sabi ko sa kanya

"Isa lang ha" sabi nya sakin

"Oo, isa lang" sabi ko

Nagsimula na kaming uminom, habang umiinom ako pumipili ako ng kanta. 

"huy! Seryoso ka? Kakanta ka? hahaha! Baka umulan?" asar sakin ni Jho, tumingin ako sa kanya habang naka pout

"Grabe ka sakin" sabi ko sa kanya, natawa naman sya

"hahaha, joke lang!" sabi nya

Lumipas pa yung isang oras may tama na ako pero hindi pa ako nakakahanap ng kakantain ko

"Huy! Nakakailang bote kana pero hindi ka parin kumakanta..." sabi sakin ni Jho, natawa naman ako

"Hahaha! Oo na, kakanta na... hindi maganda yung boses ko pero kakantain ko to..." sabi ko sa kanya

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon