Deanna's POV
Nandito ako ngayon sa sala at umiinom ng coffee. Ako palang yung nandito dahil tulog pa silang lahat.
Bigla kong naalala yung nangyare sakin kagabi.
Sana panaginip nalang yon... Pero hindi eh, totoong totoo yon.
Pinag iisipan ko pa kung magpapa-surgery ako. Pero kapag naiisip ko yung surgery natatakot ako.
Pano kapag tinuloy ko yun, tapos hindi naging successful edi mamamatay ako.
Kapag hindi naman ako nagpa surgery hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako dito sa mundo.
Ganito pala yung pakiramdam kapag alam mong pwede kang mamatay ano mang oras. Parang mas pipiliin ko nalang na maging masaya. Parang gusto ko nalang sulitin yung bawat sandali ko dito sa mundo.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa naisip ko.
Kapag nawala ako paano na sila lola? Si Peter?
Huminga ako ng malalim.
Sabagay, may naipon na din naman ako, pwede kong iiwan kay Peter yon, siguro naman hindi na sila maghihirap at mapagpapatuloy parin ni Peter yung pag aaral nya sa tulong ng naipon ko.
Kawawa naman ako, lilisanin ko yung mundong to na wala manlang magandang memories, parang last na nagkaroon ako ng magandang memories noong nandito kami ni Jema sa Zambales dati, tapos yung naging kami, yung palagi ko syang kasama...
Huminga uli ako ng malalim.
"Lalim naman" rinig kong sabi ni Bea, "Ang aga mo namang magising? May masakit ba sayo?" tanong nya sakin
"Wala naman Bei, hindi lang ako makatulog" sagot ko, umupo sya sa tabi ko
"Bakit naman? Iniisip mo ba yung kalagayan mo?" tanong nya sakin, tumango naman ako, lumapit sya ng kaunti sakin, "Magpasurgery kana kasi!" bulong nya sakin
"Pinag-iisipan ko pa" sagot ko
"Dapat hindi mo na pinag iisipan yan!" sabi ni Bea sakin
"Bei, kung sakaling mawawala ka ngayon, meron ka bang magandang alala na babaunin sa kabilang buhay?" tanong ko sakanya, bigla syang napatingin sakin
"What the heck! Kinabahan ako sa tanong mo ha!" sabi nya, natawa naman ako
"Seryoso nga" sabi ko habang nakangiti
"Oo naman... marami!" sagot nya, napayuko ako
"Buti ka pa..." sabi ko, napatitig sya sakin
"Deanns, wag ka ngang mag isip ng kung ano ano, hindi ka mamamatay, okay? Hahaba pa yang buhay mo. Hayaan mo gagawa tayo ng maraming memories! Hintayin nating magising yung mga kasama natin at aalis tayo!" sabi nya sakin pagkatapos kinuha nya yung coffee ko at ininom iyon
"Coffee ko yan" sabi ko
"Tikim lang eh!" irap nya sakin kaya natawa uli ako
Maya maya nagising na yung mga kasama namin.
"Ang aga nyo ha!" bungad ni Tots samin
"Guys, breakfast na tayo, aalis tayo ngayon" sabi ni Bea
"Wehh?! Saan?" tanong ni Gel
"Island hopping tayo! hehehe, rent tayo ng boat... libre ko!" sabi ni Bea pagkatapos tumingin sya sakin at kinindatan ako kaya natawa uli ako
"Woaaahh!!! Seryoso? Sige ba!" sabi ni Ced
"Hoy! Beatriz! Pambawi ba yan sa ginawa mo kagabi?" tanong ni Jho kay Bea
"Hindi ah! Wala naman akong ginawang masama kagabi eh, gusto ko lang na sulitin natin yung araw natin dito, uuwi natayo bukas sa Manila eh" sabi ni Bea