Part 23

1.2K 73 10
                                    

Jema's POV

Habang nakatambay ako sa balcony ng kwarto ko nakapangalumbaba ako at iniisip si Deanna.

Bakit ba iniiwasan nya ako?

Ano bang ginawa ko?

Dahil ba sa nangyare saming dalawa kaya sya umiiwas??

Ginusto nya din naman yun ah... parehas naming ginusto yun...

Napahilamos ako sa mukha ko..

Ah basta! hindi kita iiwasan kahit gusto mo akong iwasan!

Biglang sumingit sa isip ko si Bea.

Isa pa tong si Bea eh! Pero atleast okay na kaming dalawa.

Flashback...

"Jema! Kausapin mo naman ako oh!" pakiusap sakin ni Bea, humarap ako sa kanya

"Bei wag ngayon!" inis na sabi ko sa kanya, hindi parin kasi ako makapaniwala sa sinabi nya sakin

"Jema, please!" pagmamakaawa nya sakin, kunot noo lang akong nakatingin sa kanya.

Bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"Jema, wag mo naman akong iwasan oh.. alam kong nabigla ka sa sinabi ko, p-pero yun kasi talaga yung nararamdaman ko eh, h-hindi ko na kinayang itago... n-nagbakasakali lang ako na baka parehas tayo ng nararamdaman..." sabi nya, nangilid na din yung luha nya, "Okay lang sakin na hanggang kaibigan lang yung turing mo saakin, pero please... hayaan mong iparamdam ko sayo yung pagmamahal ko, h-hayaan mong kusa tong mawala... a-ayaw kong mawala ka sakin Jema, k-kaya kahit friends lang okay na sakin.." dagdag nya pa

Bigla nya akong niyakap.

"Sorry..." bulong nya sakin, dahil naawa ako sa kanya niyakap ko sya pabalik.

"S-Sorry din, kasi hanggang don lang yung kaya kong ibigay sayo Bei" sabi ko sa kanya, mas lalong humigpit yung yakap nya sakin

End of Flashback...

Pagkatapos ng naging pag uusap namin ni Bea kanina naging okay na kaming dalawa, pero medyo ilang na din ako sa kanya.

Pagkatapos kong magmuni muni pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at ginawa ko na yung night routine ko, pagkatapos natulog na ako.

Kinabukasan...

Habang naglalakad ako papunta sa room namin nakita ko si Deanna na nakaupo sa isang upuan.

Nagbabasa sya ng book, napangiti ako.

Sipag naman mag aral...

Naglakad ako papunta sa kanya, nang malapit na ako sa likod nya nagdahan dahan ako at sinilip ko yung binabasa nya.

Naks naman... kaya siguro sya matalino kasi nag a-advance reading sya.

Tinakpan ko yung mata nya, napangiti ako ng bigla nyang hawakan yung kamay ko.

"S-Sino to?" tanong nya pagkatapos tinanggal nya yung kamay ko na nakatakip sa mata nya at tumingin sakin, "J-Jema..." sabi nya

"Hi! Good morning, ang aga mo namang mag aral" sabi ko sa kanya, nakatingin lang sya sakin, umupo ako sa tabi nya

"Diba sabi ko wag mo na akong lalapitan?" malumanay na sabi nya, napayuko naman ako

"Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit mo ako pinapalayo sayo, may nagawa ba ako?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot, "Dahil ba sa nangyare satin?" tanong ko uli sa kanya, natapatingin sya sakin

"H-Hindi" utal na sagot nya

"Anong dahilan?? Kasi Deanna hindi kita maintindihan eh, kahit sabihin mo sakin na iwasan kita malaking palaisipan parin sakin kung anong dahilan..." seryosong sabi ko, "Ayaw mo na ba sakin??" tanong ko uli sa kanya

"H-Hindi..." utal parin na sagot nya

"Eh ano??!" inis na tanong ko sa kanya, pero imbis na sagutin nya ako napayuko nalang sya, "Okay... Alam mo, sinabi ko sa sarili ko kagabi na kahit anong mangyare hindi kita iiwasan... kahit iwasan mo ako hindi parin kita iiwasan, p-pero k-kung yan yung gusto mo... sige, hindi na kita lalapitan... s-sorry sa istorbo" sabi ko pagkatapos naglakad na ako palayo

Habang naglalakad ako biglang nangilid yung luha ko pero agad kong pinunasan iyon.

Nasasaktan ako...

Pagpasok ko sa room namin nakita ko si Bea at si Kyla.

"Good Morning Jema.." bati nilang dalawa sakin pero hindi ko sila pinansin at naupo nalang ako sa upuan ko.

"A-Anong problema?" tanong ni Bea sakin, tumingin ako sa kanya at bigla ko syang niyakap, "Huy! Jema.. a-anong nangyare? May nanakit ba sayo?" nag aalalang tanong sakin ni Bea

"N-Nasasaktan ako..." bulong ko sa kanya, hindi ko na din napigilan yung luha ko

"B-Bakit??" tanong nya sakin

"S-Si Deanna kasi... h-hindi ko sya maintindihan, wala naman akong ginawang masama sa kanya pero pinapalayo nya ako sa kanya..." sabi ko sa kanya habang umiiyak, nakatingin lang din samin si Kyla

"B-Bakit?" tanong uli ni Bea sakin, tumingin ako sa kanya

"A-anong bakit?" tanong ko din sa kanya

"Bakit ka nasasaktan??" tanong nya uli sakin, "M-Mahal mo ba si Deanna?" seryosong tanong nya sakin, napayuko ako

Alam kong masasaktan sya kapag nalaman nya na may nararamdaman nga ako kay Deanna.. pero kailangan nyang malaman.

"Oo, mahal ko sya" matapang na sagot ko

"Ow em gi!" rinig kong sabi ni Kyla

Dahan dahang lumuwag yung pagkakahawak ni Bea sakin, pagkatapos tumayo sya.

"CR lang ako" paalam nya samin, nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya palabas ng room.

Sorry...

-----------------------

Jho's POV

Nainis ako ng makita kong niyakap ni Jema si Bea.

At mas kinainis ko pa yung narinig ko.

"M-Mahal mo ba si Deanna?" tanong ni Bea sa kanya

"Oo, mahal ko sya" rinig kong sagot ni Jema

Sinong Deanna kaya yon? Yun ba yung kinausap ni Bea nung nakaraang araw?

Actually narinig ko yung pag uusap nilang dalawa, narinig ko na pinapalayo nya yung babae kay Jema.

Nakita kong mabilis na naglakad si Bea palabas ng room.

Inis akong tumingin kay Jema..

Aaminin kong may gusto ako kay Bea, naiinis din ako kay Jema dahil alam kong may gusto sa kanya si Bea.

Nagseselos ako kapag magkasama sila ni Bea, nasasaktan din ako kapag pinagtatanggol ni Bea si Jema kapag magkaaway kami, katulad nung nakaraang araw.

Napangisi ako habang nakatingin kay Jema.

Mukhang may plano na ako kung pano ko masisira yung friendship nila..

---------

Update uli..  kanina pa sana to na publish kaso nag road trip kami sa UP 😂

Huy! Anong balak ni Jho? 🥴

MorNight, bukas naman...

RMTW 👀 malapit na... 😂 Abangan...

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon