Jema's POV
Nang makabalik kami sa bahay agad na umakyat sila Deanna sa kwarto nila.
Pagkatapos kong maligo lumabas muna ako ng bahay at umupo sa upuan na nakalagay sa labas ng bahay namin.
Hanggang ngayon naalala ko yung mga sinabi ni Deanna kanina.
Hindi ko na tuloy alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Nalilito na ako... Alam ko sa sarili kong mahal ko pa si Deanna, pero mahal ko din si Ella..
"Bes, okay ka lang?" napalingon ako kay Kyla at nakita kong nakatayo sya sa likod ko.
Naglakad sya palapit sakin at tumabi.
"Okay ka lang?" tanong nya uli sakin
"Oo naman" pagsisinungaling ko
"Parang hindi" sabi nya
"Namimiss ko lang si Ella" sabi ko sa kanya
"Naku! Hayaan mo at malapit na kayong magkita
"Uy! Anong ginagawa nyo dito sa labas?" tanong samin ni Bea
"Tambay... nasaan na yung nga kasama mo?" tanong ni Kyla sa kanya
"Ayon nandon sa sala, si Deanna tulog na" sagot ni Bea
Ang aga nya naman makatulog.
"Ang aga naman matulog ni Deanna.." sabi ni Kyla
"Masakit kasi yung ulo nya" sabi ni Bea
"Ahh, bakit? Nilalagnat?" tanong ni Kyla
"H-Hindi, baka napagod lang" sagot ni Bea
"Ahh" sabi ni Kyla
"Bukas na tayo uuwi, dederetso na tayo sa farm namin" sabi ni Bea
"Oo nga, excited naman!" sabi ni Kyla
"Hahaha, oo nga eh, pero mahaba habang byahe nanaman to" sabi ni Kyla
"Ahh Jema" tawag sakin ni Bea kaya tumingin ako sa kanya
"Bakit?" tanong ko
"A-Ahhh w-wala... hehe" sabi nya
Ang weird nya...
"Sige, pasok na ako sa loob" paalam ni Bea samin, tumango lang ako
"Bes" tawag sakin ni Kyla
"Ano?" tanong ko
"Umamin ka nga sakin, naguguluhan kana no?" tanong ni Kyla sakin, kunot noo akong tumingin sa kanya
"Anong pinagsasabi mo?" pagmamaang-maangan ko
"Sus! Umamin kana" sabi nya sakin, "Alam kong pagkatapos ng naging island hopping natin kanina alam kong naguguluhan kana" dagdag nya pa
Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi nya.
"Bes, sinasabi ko sayo, hindi deserve ni Ate Ella yung masaktan" sabi nya sakin
"Hindi ko naman sya sasaktan" sagot ko sa kanya
"Okay, sabi mo eh... pasok na ako sa loob" paalam nya, tumango lang ako, bago sya umalis tinapik nya yung balikat ko
Ilang oras pa akong nag stay dito sa labas, nang dumilim na pumasok na din ako.
"Tulog parin si Deanna?" tanong ni Ate Aby kila Tots
"Oo eh, napagod ata" sagot ni Tots
"Guys, maaga tayong aalis bukas" sabi ni Bea
"Okay, tama lang yun para maaga tayong makarating sa farm nyo" sabi ni Jho
Ilang oras din akong nakipag kwentuhan kila Bea, nang makaramdam ako ng antok nagpaalam na ako sa kanila.