Part 35 ⚠️

1.6K 57 10
                                    

Jema's POV

Naglalakad na kami ngayon papunta sa room nila Deanna, uwian na din kasi namin.

Nakangiti ako habang naglalakad.

"Bes, baka mapunit na yang labi mo ha... kanina ka pa nakangiti" sabi ni Kyla sakin, tumingin ako sa kanya

"Bakit masama bang ngumiti?" tanong ko sa kanya

"Hahah hindi naman... ang saya mo ngayon ha... ganyan ba talaga kapag inlove??" tanong nya sakin, natawa ako

"Oo?" tanong ko din sa kanya

"Ewan ko sayo bes haha..." sabi ni Kyla pagkatapos tumingin sya kay Bea, "Kausapin mo nga to!" utos nya kay Bea, napailing naman si Bea

"Mauuna na pala ako sa inyo, may pupuntahan pa kasi ako" paalam ni Bea samin

"Sige, ingat Bei" sabi ko sa kanya, tinanguan nya lang ako, nang makaalis si Bea tumingin sakin si Kyla.

"Kanina pa yun nakasimangot, malamang nagseselos nanaman yon haha" sabi ni Kyla, "Halikan mo ba naman si Deanna sa harap nya kanina eh talagang magseselos yon!" sabi nya, tumingin ako kay Kyla

"Kyla itigil mo nga yan" saway ko sa kanya

"Owkey!!" sabi nya

Nagsimula na uli kaming maglakad, habang naglalakad kami nakasalubong namin sila Tots at Ced. 

"Hi Ced, nasaan si Deanna?" tanong ko sa kanila

"Ahh, hindi pa sya nag text sayo?" tanong ni Ced

"Hindi eh" sagot ko

"Umuwi sya ng maaga kanina kasama sila Gel at Kamuy, itinakbo daw kasi sa hospital yung lola nya" sabi naman ni Tots, agad akong nakaramdam ng pag aalala

"H-Ha?? S-Saang hospital?" tanong ko sa kanila

"Pupunta din kami don, sama kayo?" tanong sakin ni Ced

"S-Sige!" sabi ko

"Bes, sama din ako" sabi ni Kyla

Iisang sasakyan lang din yung sinakyan namin. 

Nang makarating kami sa hospital agad naming pinuntahan sila Deanna. 

Pagpasok namin sa ward agad naming nakita si Deanna na nakaupo sa tabi ng bed ng lola nya.

"Deanna!" tawag ko sa kanya, agad naman syang napatingin sakin

Tumayo sya at naglakad palapit sakin.

Kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya.

"Kamusta si lola?" nag aalalang tanong ko sa kanya

"Hmm m-medyo okay na sya, kakatulog nya lang uli" sagot nya sakin

"I-Ikaw? kamusta ka?" tanong ko uli sa kanya, umiling sya at napayuko, agad ko syang niyakap, "Magiging okay din si lola.. tiwala lang okay??" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya at tiningnan ko yung mukha nya, "Smile na" sabi ko sa kanya, pilit naman syang ngumiti

Hinawakan nya ako sa kamay pagkatapos naglakad kami palapit sa bed ni lola, nakita ko si Peter na nakaupo din sa tabi ni lola.

"Hi Peter..." bati ko sa kanya

"Hello ate Jema" bati nya din sakin

"Kumaen kana ba?" tanong ko sa kanya

"Opo, bumili sila Ate Gel ng pagkaen kanina" sagot nya, nginitian ko sya

"Verygood!" sabi ko, tumingin ako kay Deanna, "Ikaw kumaen kana ba?" tanong ko sa kanya

"Hindi pa..." si Kamuy, Gel, at Peter na ang sumagot, nakita ko naman na tiningnan sila ng masama ni Deanna

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon