Part 38

1K 55 10
                                    

Jema's POV

Habang nag dadrive ako pauwi iniisip ko si Deanna.

Narinig ko kasi yung pinag usapan nila ni Ate Aby kanina.

Flashback...

Nang makalabas sila Deanna at Ate Aby sumunod ako sa kanila, binuksan ko kaunti yung pintuan para marinig ko yung pag uusap nila.

"Huy! Jema, anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Gel, sinenyasan ko sya ng wag maingay.

"A-Ate Aby, bakit?" rinig kong tanong ni Deanna kay Ate Aby

"K-Kasi nakuha ko na yung bills u-umabot ng 80K, h-humingi ako ng discount kasi senior naman si lola, nagkaroon lang ng 20K discount kaya 60K nalang, pwede akong magbigay ng tulong  p-pero 20K lang yung mabibigay ko, s-so 40K pa ang kulang" rinig kong sabi ni Ate Aby, napahawak ako sa bibig ko dahil nabigla din ako

OMG! Saan sya kukuha ng 40K?

"S-Sige, m-maraming salamat ate Aby, sobrang dami mo ng naitulong samin... ang laki na ng utang na loob ko sayo" sabi ni Deanna kay Ate Aby

"Wala yon, k-kaso saan natin kukunin yung 40K?" tanong ni Ate Aby kay Deanna

"H-Hayaan mo ate, m-mamaya hahanap ako p-pag alis nila Jema" sagot ni Deanna

"Sige" sabi ni Ate Aby

Nang makita kong babalik na sila dito sa loob mabilis akong bumalik sa upuan ko kanina.

End of Flashback...

Naawa ako kay Deanna, hindi ko alam kung paano nya nakakayanan na ipakita sa amin na okay lang sya.

Nang makauwi ako sa bahay agad akong dumeretso sa kwarto ko, kinuha ko yung passbook ko at tiningnan ko yung balance non.

Yung totoo kasi kapag binibigyan ako ng allowance ni dadday nag iipon ako.

55K yung laman...

Pwede kong ipahiram kay Deanna yung 40K...

Pero ako naman yung mawawalan, kakabigay palang sakin ng allowance ni daddy...

Huminga ako ng malalim...

"Bahala na!" bulong ko sa sarili ko

Inilagay ko yung passbook ko sa bag ko dahil magwi-withdraw ako bukas ng umaga.

Ginawa ko yung night routine ko, pagkatapos ko humiga ako sa kama at nag text kay Deanna.

📱📱
To: Baby ko 💜

Bb, kamusta? Nag dinner kana ba? I miss you na kaagad, wag mong isipin masyado yung mga problema mo ha? Nandito lang ako... I love you 💓😘

📱📱

Hinintay ko yung reply ni Deanna.

Ano na kayang ginagawa nya ngayon??

Tok! Tok! Tok!

"Ate, kakaen na daw" rinig kong sabi ni Mafe mula sa labas ng kwarto ko

"B-Bukas na ako kakaen" sabi ko sa kanya

"Sige, basta bumaba ka nalang kung nagugutom ka ha" sabi ni Mafe

"Oo" sagot ko

Tumingin ako sa phone ko dahil may nag text.

Baka si Deanna na to...

Nang makita ko kung sino ang nag message nadismaya ako.

Si Kyla lang pala.. nagtanong lang sya sakin kung nakapagreview ako dahil may quiz kami bukas.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon