Bea's POV
Dahil sa sama ng loob ko hindi na ako pumasok ngayong araw.
Nandito ako ngayon sa bahay at umiinom. Dahil wala yung parents at yung kuya ko wala akong mapagsabihan ng sama ng loob.
Hindi ako yun, hindi ko kayang gawin yon...
Ang masakit lang kasi hindi manlang ako magawang paniwalaan ni Jema...
Inamin ko naman yung pananakot ko kay Deanna eh, pero yung saktan si Deanna?? Yun yung hindi ko kayang gawin...
Uminom lang ako ng uminom, kahit mga katulong namin nag aalala na din sakin.
"Ma'am Bea, tama na po yan.. tumawag po yung mommy mo, nag aalala po sya sayo" sabi ng katulong namin sakin, inis akong tumingin sa kanya
"Wag mo nga akong pakealaman! Umiinom yung tao eh!" sabi ko sa kanya
"Pero marami na po kayong naiinom, lasing na po kayo.." sabi nya sakin, napangisi naman ako
"Kaya nga ako umiinom para malasing!" sabi ko sa kanya
"P-Pero--"
"Tsk! Ano ba?! Hayaan nyo ako!" inis na sabi ko agad naman silang nagsialisan.
Maya maya nakatulog ako dahil sa kalasingan ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Madilim na nang magising ako, napansin ko din na nasa sofa na ako.
Baka pinagtulungan akong buhatin ng mga katulong namin.
Umupo ako at napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit ng ulo ko, kaso bigla akong natulala ng maalala ko si Jema.
Galit sya sakin...
Puntahan ko kaya siya? Gusto ko syang makausap..
Tama..
Nagmadali akong maglakad papunta sa mga lalagyan ng susi ng mga sasakyan namin.
Nang makuha ko yung susi ng sasakyan ko agad akong lumabas, binuksan ko yung gate, nang mabuksan ko iyon agad akong sumakay sa sasakyan ko at nag drive.
"Ma'am saan po kayo pupunta?" pahabol na tanong ng katulong namin pero hindi ko sya pinansin.
Nag drive ako papunta sa bahay nila Jema, nang makarating ako doon agad akong nag doorbell sa gate nila.
"Sino po yan?" tanong ng katulong nila
"A-ahh Ate s-si Bea po ito, pwede ko po bang makausap si Jema?" tanong ko sa kanya
"Ay! si Ma'am Bea pala ito! Tuloy po kayo!" sabi nya sakin
"A-Ahh Hintayin ko nalang po sya dito.. aalis din po kasi ako agad" sabi ko sa kanya
"Ay ganon ba? Sige, wait lang ha.." sabi nya at naglakad na sya papasok ng bahay
Maya maya nakita ko si Jema na naglalakad palapit sakin.
"J-Jema.." tawag ko sa kanya, seryoso lang syang nakatingin sakin
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin
"Gusto lang kitang makausap" sabi ko sa kanya
"Nag uusap na tayo" seryosong sagot nya
"J-Jema, I'm sorry..." sabi ko sa kanya
"Bea wag mo muna akong kausapin hangga't hindi pa nagiging okay si Deanna, kasi ngayon hindi pa ako makapag isip ng maayos..." sabi nya sakin, "Umuwi kana.." dagdag nya pa