Deanna's POV
Ilang araw na din ang lumipas, nakalabas na sa hospital si Lola, mabuti nalang at tinulungan kami ni Ate Aby.
"La' papasok na po ako sa school, magpahinga muna kayo dito, yung gamot wag kakalimutan" bilin ko sa lola ko, tumingin akokay Peter, "Bantayan mo si lola ha, wag na wag mong iiwan dito" bilin ko sa kanya
"Opo Ate" sabi ni Peter, ngumiti ako at ginulo ko yung buhok nya
"Aalis na ako" paalam ko sakanila
"Ingat apo" sabi ni lola, lumapit ako sa kanya at humalik sa noo
"Uuwi po agad ako" paalam ko sa kanya, tumango naman sya
Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng jeep.
Ilang minuto lang nasa school na ako.
Sa pag lalakad ko nakita ko si Jema na kakababa palang sa sasakyan nya kaya napangiti ako, nakatalikod sya at para bang may kinukuha sa compartment.
Namiss ko sya...
Dahan dahan akong naglakad papunta sa likod nya, nang makalapit ako sa kanya niyakap ko sya mula sa likuran, biglang nagulat si Jema pagkatapos tumingin sya sakin.
"D-Deanna??!" agad syang napangiti ng makita nya ako, mabilis syang humarap sakin at niyakap nya ako pabalik, "Namiss kita!!" sabi nya sakin, mas lalong lumaki yung ngiti ko sa labi
"I miss you too!" bulong ko sa kanya, kumalas sya sa pagkakayakap sakin at mabilis akong hinalikan sa labi pero smack lang pagkatapos tumingin uli sya sakin
"Kamusta na si lola?" tanong nya sakin
"Ayon, medyo okay na, nakalabas na din sya sa hospital" sagot ko, napangiti sya
"Mabuti naman" sabi ni Jema habang nakangiti
"Tara? Hatid na kita sa room nyo?" aya ko sa kanya, tumango sya habang nakangiti, sinarado nya yung compartment ng sasakyan nya pagkatapos hinawakan nya yung kamay ko at naglakad na kami.
"B, alam mo, namiss talaga kitang kasama dito sa school" sabi sakin ni Jema
"Oo nga eh, ilang araw din akong nawala, ang dami ko tuloy hahabuling lecture" sabi ko, tumigil sya sa paglalakad at tumingin sakin.
"Ano ka ba, alam kong kayang kaya mo yan!" pagpapalakas nya ng loob ko, napangiti ako
"Oo naman! Mas kakayanin ko pa kasi nandyan ka na nagpapalakas ng loob ko" sabi ko sa kanya
"Yiiieehh! Bolera!" asar nya sakin kaya natawa ako
"Hindi ah! Totoo yun!" sabi ko
"Oo na!" sabi nya habang nakangiti
"Kinikilig ka lang eh!" asar ko din sa kanya kaya natawa uli sya
Nang makarating kami sa room nila agad akong nagpaalam kay Jema, baka kasi malate ako sa class ko.
Pagpasok ko sa room namin napatingin sakin si Kamuy.
"Deanna! Buti nakapasok kana! Kamusta si Lola?" tanong ni Kamuy sakin
"Ayon, nagpapagaling, sana nga maging okay na talaga sya" sagot ko
"Sana nga..." sabi ni Kamuy
"Nagkita na kayo ni Jema?" tanong ni Gel sakin, tumango ako
"Oo, hinatid ko pa nga sya sa room nila" sagot ko
"Deanns, malapit na yung monthsary nyo ni Jema, anong balak mo?" tanong ni Tots sakin
Oo nga pala, ang bilis ng araw...
"Uhm, h-hindi ko pa alam eh" sagot ko
"Naku! dapat meron ka ng iniisip ngayon kung anong gagawin nyo!" sabi ni Kamuy sakin