Deanna's POV
Nang makalabas si Jema bigla akong napaupo habang umiiyak, nanghihina yung tuhod ko.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Tiningnan ko yung kwintas na binalik ni Jema.
"Deanns.." mabilis na lumapit sakin sila Tots
"K-Kung mahal nya ako bakit ganon yung naging desisyon nya??" tanong ko kay Tots habang umiiyak
"K-Kahit ako din naman nagulat dahil sa sinabi ni Jema ehh.. h-hindi ba pwedeng subukan yung LDR?? Malay nya mag work..." sabi ni Tots sakin
"Deanns, siguro mas okay na din yung naging desisyon ni Jema, tama yung sinabi nya, hindi nyo alam kung ano yung mga mangyayare in the future..." sabi ni Gel pagkatapos umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako, "May kasabihan nga na kung kayo talaga, kayo talaga... magkikita at magkikita parin kayo" dagdag nya pa
"P-Pero Gel hindi ko kaya eh... isa sya sa pinaghuhugutan ko ng lakas eh.. *hik!" sabi ko habang umiiyak
"Ano? Tutuloy ka ba?" tanong sakin ni Tots
Parang narinig ko uli yung mga sinabi ni Jema sakin kanina.
K-Kapag naabot mo na yung mga pangarap mo m-magiging masaya ako... k-kasi d-deserve mo yon... isipin mo nalang na para ito sa lola at kapatid mo...
Deanna ayaw kong maging selfish... G-Gawin mo k-kung ano yung ikabubuti mo
Basta lagi mong tatandaan, m-mahal na mahal kita...
A-Abutin mo yung pangarap mo.. A-Alam kong kayang kaya mong abutin yon...
Huminga ako ng malalim habang umiiyak.
"T-Tutuloy ako..." sagot ko, naramdaman ko yung pagtapik ni Gel sa balikat ko
Pero kakausapin ko parin si Jema, ayaw kong pumayag sa gusto nya...
Maya maya lang umuwi na ako.
Habang pauwi ako para bang wala ako sa sarili ko.
Pagdating ko sa bahay agad akong yumakap sa lola ko.
"Apo, umiiyak ka ba??" tanong nya sakin
"La, a-ang sakit... n-nasasaktan po ako" sabi ko sa kanya habang umiiyak
"Bakit? Ano bang nangyare??" tanong nya sakin
Alam na ni lola at ni Peter yung tungkol sa scholarship ko, natuwa sila pero syempre nalungkot din kasi malalayo ako sa kanila, pero ang sabi nga ni lola kayang kaya nila ni Peter dito kahit wala ako.
Ikinuwento ko sa kanya yung nangyare kanina.
Niyakap ako ni lola habang umiiyak.
"Apo, talagang masakit yan... mahirap... pero may mga kailangan talaga tayong i-sacrifice para lang maabot natin yung pangarap natin... at yung pinakamahirap na i-sacrifice ay yung love... Sabihin na nating naiintindihan ko din si Jema, maraming pwedeng mangyare, walang kasiguraduhan sa mundong ginagalawan natin, bawat segundo o minuto pwedeng may magbago, pwede kayong magkasakitan... mahirap yung malayo kayo sa isa't isa, siguro hindi nya kaya yung ganon, kasi mas nasanay sya na nasa tabi nya lang yung mahal nya" sabi ni lola sakin
"P-Pero la' ayaw kong mawala sakin si Jema" sabi ko sa kanya
"Tulad ng sinabi ko apo, maraming pwedeng mangyare, parehas pa kayong bata ni Jema, malay mo pagbalik mo dito makita mo uli sya tapos dun nyo na pala itutuloy yung naudlot nyong pagmamahalan, diba mas maganda yon? Pwedeng maganda na yung estado ng buhay mo non, mabibigay mo na din yung mga gusto ni Jema" sabi ni Lola