Part 22

1.1K 62 7
                                    

Deanna's POV

Madilim na ng matapos ako sa pagtatrabaho. 

Naglakad ako palabas ng Ateneo kaso nang makarating ako sa madilim na parte ng school bigla akong may narinig na nag uusap, nakita ko si Tots at yung dalawang babae na nag uusap kaya bigla akong nagtago sa likod ng puno. 

Pilit kong inaaninag yung kausap nya pero katawan lang nila yung nakikita ko. 

"Ano na? Nasaan na yung bayad mo samin?!" tanong ng isang babae

"Oo nga! Sabi mo ngayon mo kami babayaran, aba! hindi pwede samin yung pinapatagal! Pagkatapos mo kaming utusan na saktan at takutin yung Deanna na yon!" inis na sabi naman ng isa

Biglang kumunot yung noo ko. 

So sila pala yon??! At si Tots pala yung nag utos... tama nga yung kutob ko... 

"Ano ba! sabi ko naman sa inyo babayaran ko kayo, hindi lang ako binigyan ng allowance ng daddy ko ngayon!" sabi ni Tots, nakita kong tinulak sya ng isang babae

"Pinagloloko mo ba kami?! Maayos yung usapan natin Tots!" galit na sabi ng babae, "Kailangan namin yung pera!" dagdag nya pa

"Bakit?! babayaran ko naman kayo ha!" galit ding sabi ni Tots sa dalawa

"Ayos ha! ikaw pa itong galit! eh kung bugbugin ka nalang kaya namin dito?! hahahah tutal wala namang tao eh!" mayabang na sabi ng isang babae

"Bakit ba ayaw nyong mapakiusapan?! babayaran naman kayo ha!" sigaw ni Tots

"Alam mo ang yabang mo talaga eh! Naiinis na din ako sa kayabangana mo eh!" gigil na sabi ng babae

Nakita kong hinawakan si Tots ng isang babae

"Ano ba! b-bitawan mo ako! Magbabayad naman ako!!" sigaw ni Tots

"Inuubos mo kasi yung pasensya namin Tots.... ayaw namin ng ganyan!" sabi ng babae 

Boooggssssshh!

Bigla nyang sinapak si Tots sa mukha. 

"Aaaaggghhhh!" sigaw ni Tots

"Lumpuhin kaya natin to?" hahah sabi ng babaeng naghahawak kay Tots

"H-Hayup ka---- Aaarrrggghhh!" sigaw uli ni Tots ng bigla syang sikmuraan ng nasa harap nya

Shit! Deanna, manonood ka nalang ba???!

Nakita kong naglabas ng kutsilyo yung babae. 

"Ano kaya kung sirain natin yung mukha nito ng mabawasan naman yung kayabangan?? hahahahaha!" sabi ng babae

"W-Wag!!" sigaw ni Tots, kaso naglakad palapit sa kanya yung babae

Hindi ko alam pero para bang may sariling isip yung katawan ko, bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko at sumigaw. 

"Mamang pulis! nandito po sila!!" sigaw ko, napatingin sakin sila Tots

Mukhang naniwala naman yung dalawang babae na may pulis. 

"Shit! bitawan mo na yung gagong yan!" rinig kong sabi ng isang babae, pagkatapos mabilis silang tumakbo

Biglang bumagsak si Tots sa lapag kaya mabilis akong lumapit sa kanya. 

"H-Huy! Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin at ngumisi

"Ikaw kaya yung sapakin ko, tapos tatanungin kita kung okay ka lang..." sabi nya sakin

Oo nga naman Deanna... 

Inalalayan ko syang tumayo. 

"Talaga bang may pulis kang kasama?" tanong nya sakin habang nakahawak sya tyan nya, napakamot ako sa batok ko habang nakangiti

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon