Deanna's POV
Nang makalayo kami kay Jema binitawan ko na yung kamay ni Ced.
"Ano ba? Ang sakit ng hila mo ha!" reklamo nya, hindi ko sya pinansin at nakatingin lang ako sa lupa
Kanina nung nakita ko si Jema parang hindi sya okay... may problema ba sya??
Nakaramdam ako ng pag aalala.
"Huy! kanina pa kita kinakausap eh" sabi ni Ced sakin, tumingin ako sa kanya
"H-Ha? Anong sinasabi mo?" tanong ko kay Ced
"Hay! Ang sabi ko galingan mo sa exam next week" sabi nya sakin, pilit akong ngumiti
"A-Ahh, oo naman, hindi ko sasayangin yun, para din sakin yon, pati na din kila lola at Peter" sabi ko sa kanya
"Good! Tara na sa room.." aya nya sakin, sumunod naman ako sa kanya
Nang makarating kami sa room nakita kong nandon na si Gel at Kamuy.
Nakangiti akong naglakad palapit sa kanila kaso...
"Arraaay!!" bigla akong nadapa
"Hahahahah!" tawanan ng mga kaklase ko
Napatingin ako kay Tots at nakita kong nakangisi sya habang nakatingin sakin.
Pinatid nya lang naman kasi ako...
Mabilis na lumapit sakin si Ced.
"Tayo na Deanns!" sabi nya sakin habang inaalalayan ako
"T-Thank you.." sabi ko sa kanya, pilit syang ngumiti sakin pagkatapos inis syang tumingin kay Tots
"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo?!" galit na tanong ni Ced kay Tots, tinawanan lang sya ni Tots
"Ced, hayaan mo na" bulong ko sa kanya, pero nakatingin parin sya kay Tots
"Isang beses mo pang saktan si Deanna, ako yung makakalaban mo!" banta nya kay Tots, nakita kong umirap si Tots
"Ced, tama na sabi"mbulong ko uli sa kanya, hinawakan ko sya sa braso at hinila papunta sa upuan namin.
"Okay ka lang?" tanong ni Kamuy sakin ng makalapit kami sa kanila
"Oo naman, dapa lang naman yon" sabi ko
"Hinahayaan mo kasing api-apihin ka nyan eh" bulong sakin ni Ced nang makaupo kami, hindi nalang ako umimik.
Maya maya dumating na yung prof namin. Habang nagtuturo sya nakatingin lang ako sa book ko at iniisip si Jema.
Ano kayang nangyare sa kanya?
Nang maglunch na sabay sabay kaming kumaen nila Kamuy, habang kumakaen kami nagpapalinga linga ako, baka kasi nandito din si Jema.
"Sinong hinahanap mo Deanna?" tanong ni Kamuy sakin kaya tumingin ako sa kanya
"H-Ha? S-Si Ate Abby" pagsisinungaling ko, nagpalinga linga din sya
"Nandito ba sya?" tanong nya sakin habang nakangiti
"Wala haha" sagot ko sa kanya
"Hay! sayang, dibale makikita ko naman sya mamaya kasi tryout namin eh, gagalingan ko talaga mapasama lang ako sa team haha!" sabi nya sabay subo
Napailing nalang ako.
Kapag inlove talaga lahat hahamakin....
Pagkatapos naming kumaen naglakad lakad muna kami, habang naglalakad kami biglang nagsalita si Kamuy
"Guys, diba si Bea at Jema yon? Parang nag aaway sila" sabi ni Kamuy, napatingin ako kung saan sya nakatingin at nakita ko nga si Jema at si Bea na nag uusap.
Sa action palang nila halatang humihingi ng sorry si Bea kay Jema, maya maya bigla silang nagyakap, biglang kumirot yung puso ko kaya napahawak ako doon.
Alam kong nagseselos ako.
"T-Tara na" aya ko sa kanila, nauna na din akong maglakad, hindi ko kasi kaya yung nakikita ko.
Nang makabalik kami sa room namin nagbasa basa lang ako ng book habang hinihintay yung prof namin, kaso walang pumapasok sa utak ko kasi si Jema yung naiisip ko.
Parang mas okay pa nung nasa Zambales kami, lagi ko syang kasama, lagi ko syang nahahawakan...
Ilang oras pa yung nakakalipas tapos na din yung klase namin.
"Guys, sorry ha.. kailangan kong magmadaling umalis, may tryout kasi ngayon para sa volleyball.. ingat kayo ha" sabi ni Kamuy habang nag aayos ng mga gamit
"Sige, galingan mo ha" sabi ni Ced sa kanya
"Oo naman, kapag nakapasok ako gusto ko lahat ng game ko papanoorin nyo ha!" sabi nya
"Oo naman, basta wag ka lang bangko hahaha!" asar sa kanya ni Gel
"Gago! dyan na nga kayo!" paalam nya samin
Nang makaalis si Kamuy si Ced naman yung nagpaalam samin kaya kami nalang ni Gel yung naiwan.
"Tara Deanns, samahan nakita sa janitor's room" sabi nya sakin, ngumiti ako at tumango.
Habang naglalakad kami biglang huminto si Gel sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya
"Shet! nakalimutan ko Deanns, kailangan ko palang umuwi ng maaga ngayon!" sabi nya
"T-Talaga?" tanong ko sa kanya
"Oo eh, sorry ha... una na ako, see you nalang tomorrow!" sabi nya habang naglalakad palayo
"Sige..." sabi ko sa kanya, nang hindi ko na sya makita naglakad na ako papunta sa janitor's room
Bago ako makarating sa janitor's room biglang may tumawag sakin.
"Deanna" lumingon ako at nakita ko si Jema, kasama nya si Kyla at si Bea.
Napatingin ako kay Bea, nakakunot noo sya habang nakatingin sakin, tumingin uli ako kay Jema, nagkatinginan lang kami ng ilang segundo pagkatapos tumalikod na ako at naglakad kaso...
"Deanna! wait!" sabi ni Jema, napatigil ako sa paglalakad dahil mabilis syang nakapunta sa harapan ko, "Iniiwasan mo ba ako?" tanong nya habang seryosong nakatingin sakin
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
"Deanna, tinatanong kita... iniiwasan mo ba ako?" tanong nya uli sakin, tumingin ako sa kanya
"B-Bakit naman k-kita iiwasan?" utal na tanong ko sa kanya
"Hindi ko alam sayo... pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako eh, dalawang beses mo na akong iniwasan" seryoso parin sya habang sinasabi iyon
"B-Baka nagmamadali lang ako" pagsisinungaling ko sa kanya, ngumisi sya
"Talaga lang ha? Parang hindi kasi... sinasadya mo" sabi nya uli, napalunok naman ako
Sabihin ko nalang kaya sa kanya yung totoo?
"Pano kung sabihin ko ngang iniiwasan kita?" tanong ko sa kanya, mas lalong sumeryoso yung mukha ni Jema
"B-Bakit?" tanong nya sakin
"K-Kasi yun yung m-mas m-makabubuti?" tanong ko din sa kanya, kumunot yung noo nya
"M-Makabubuti saan?" naguguluhang tanong nya
"B-Basta Jema, m-masmabuti ng wag mo nalang akong pansinin kapag nakikita mo ako.." sabi ko sa kanya pagkatapos naglakad na ako palayo.
Ang bigat ng loob ko habang naglalakad ako palayo kay Jema.
Yung totoo kasi gustong gusto ko na syang yakapin...
Kaso nandon si Bea...
Pagdating ko sa Janitor's room agad akong nagpalit ng damit, kinuha ko na din yung mga gamit panglinis at nagsimula na akong maglinis.
Itinuon ko muna yung isip ko sa trabaho, ayaw ko munang isipin ng isipin si Jema dahil malulungkot lang ako.
__________
Focus kay Deanna at Tots next part...
