Part 12

1.2K 64 55
                                    

Deanna's POV

Pagpasok ko ng room napansin kong nakasunod pa sakin si Kamuy.

"Dito ka din?" tanong ko sa kanya

"Oo, hahah! Classmate na tayo bruh!" sabi nya sakin

Umupo ako sa hulihan at tumabi naman sya sakin.

"Si Gel kaya?" tanong ko sa kanya

"Naku! Classmate na din natin yon, tingnan mo maya maya na dito na yon" sabi ni Kamuy, "Pero ang saya ko ngayon, kasi classmate na tayo" dagdag nya pa

"Haha oy! tingnan mo nga naman, nandito yung hampas lupa.." napatingin ako sa nagsalita.

Tots...

Napayuko ako.

"Tots, pwede ba? Tigilan mo nga tong kaibigan ko" saway ni Kamuy sa kanya

"Wag mo nga akong utusan!" rinig kong sabi ni Tots

Ang yabang nya talaga...

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Gel na pumasok at merom syang kasamang babae.

Matangkad, moreno, pero maganda..

"Gel! Dito.." aya ni Kamuy kay Gel

"Hahah! Akalain mo nga naman, magkakasama kayong tatlo ngayon hahah! tama yan nang may makasama naman tonh Pipe dito" sabi ni Tots at alam kong ako yung tinutukoy nya, "Pero teka lang, sino tong magandang girl na kasama ni Gel? Mapormahan nga.." dagdag pa ni Tots

Nang makalapit samin sila Gel tumingin sya kay Tots

"Ginugulo mo nanaman ba si Deanna? Wala kang magawa sa buhay mo no?" tanong sa kanya ni Gel, napangisi si Tots

"Hahah inaasar ko lang naman.. pero teka lang, sino yang kasama mo?" tanong ni Tots kay Gel

"Bakit??" tanong ni Gel sa kanya, lumapit si Tots kay Gel pagkatapos....

"Aray!" reklamo ni Gel, tinulak kasi ni Tots si Gel papunta samin at lumapit sya sa babae.

"Hi Miss.. I'm Tots.." pakilala ni Tots sa babae, kunot noo naman syang tiningnan ng babae

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? Bakit ka nanunulak?" tanong sa kanya ng babae

"Haha hindi ko sya tinulak, sadyang lampa lang talaga sya" sabi ni Tots,  "Anong name mo?" tanong nya sa babae

"Sorry, pero wala akong balak makipagkilala sayo... alis nga dyan.." sabi ng babae pagkatapos tinulak nya si Tots

"Owww! tapang.." rinig kong sabi ni Tots

Hay! Ang yabang talaga nito...

"Gel, okay ka lang?" tanong ng babae kay Gel

"Ahh oo, mahina lang naman yung pagkakatulak nya.. mayabang kasi talaga yan" mahinang sabi ni Gel

Tumingin sakin yung babae kaya napayuko ako

"Ikaw... may nakaupo ba dyan sa tabi mo?" tanong nya sakin

"H-Ha?? S-Si Gel?" alanganing sagot ko

"Sige dun kana sa tabi ni Deanna, dito na ako sa tabi ni Kamuy" sabi ni Gel sa babae

Tumabi na sakin yung babae, pagkaupo nya tumingin uli sya sakin.

"Ced.." pakilala nya habang nakangiti, dahan dahan kong inilapit yung kamay ko sa kanya, nang hindi na sya makapag antay sya nya yung kumuha ng kamay ko at nakipag shake hands..

"D-Deanna.." pakilala ko

"Hi Deanna.. ang cute mo! Mahiyain ka no?" tanong nya sakin sabay kurot sa pisngi ko, agad kong nahaplos yung  pisngi ko dahil ang sakit ng pagkaka kurot nya sakin 

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon