Part 14

1.3K 62 23
                                    

Deanna's POV

Nakangiti ako habang nakatingin kay Jema na naglalakad palayo.

Tiningnan ko yung panyo na pinahiram nya sakin at inamoy iyon.

Ang bango...

Binulsa ko yung panyo, pagkatapos nagpatuloy na ako sa paglilinis.

"Dahil sa kanya mas lalo akong ginanahang mag linis heheheh, bunutin ko na din kaya lahat ng damo dito sa Ateneo? heheh!" bulong ko sa sarili ko at natawa na din ako dahil sa pinagsasabi ko.

Ilang oras pa yung lumipas natapos na din akong magtrabaho.

Habang naglalakad ako palabas ng Ateneo may tumawag ng pangalan ko.

"Deanna..." napalingon ako sa likod ko, "Wait lang Deanna, sabay na tayong umuwi.." dagdag nya pa

Ate Aby...

"Ngayon ka palang uuwi?" tanong ko sa kanya nang makalapit sya sakin

"Oo, ang daming ginawa eh, tara hatid na kita sa inyo" sabi nya sakin, napangiti naman ako

"Sige ba, salamat kasi makakatipid ako te" sabi ko sa kanya

"Welcome.. tara na" sabi nya sakin sumunod ako sa kanya.

Nang makarating kami sa sasakyan nya pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Hahaha grabe ha.. ang sweet naman ng ate ko.. haha!" sabi ko sa kanya pagkatapos umupo na ako sa passenger seat

"Talaga! Kaya dapat maging mabait ka sakin" sabi nya pagkatapos sinarado na nya yung pinto.

Sinundan ko sya ng tingin habang naglalakad papunta sa driver's seat.

"Mabait naman ako sayo ah" sabi ko sa kanya nang nakapasok sya ng sasakyan, natawa naman sya

Nag start na syang mag drive.

Habang nasa byahe kami naalala ko yung panyo ni Jema kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko.

"Ano yan?" tanong sakin ni Ate Aby

"Panyo" sagot ko

"Sayo?" tanong nya uli, umiling naman ako

"Kay Jema" sagot ko habang nakangiti

Nagulat ako ng bigla nyang sundutin yung tagiliran ko.

"Ayyiiee! Sino yang Jema na yan? ha? Pakilala mo sakin.." sabi nya habang nakangiti

"A-Ate kaibigan ko lang sya" sabi ko

"Weeh? Parang iba eh.  hahah" asar nya sakin, "Kilala kita Deanns, alam ko din yang pagkatao mo... kaya wag kang maglilihim sakin" dagdag nya pa, napakamot naman ako sa ulo ko habang  nakangiti

"Oo na... gusto ko sya, pero kasi ate kanina umamin sakin yung kaibigan nya, n-na gusto nya si Jema kaya layuan ko daw si Jema" malungkot na sabi ko

"Grabe naman.. sino yan?" tanong nya sakin

"B-Bea yung name.." sagot ko, tumingin sya sakin

"Bea? Pamilyar yung name" sabi ni Ate Aby

"Matangkad sya, maganda... halatang mayaman... hay! Anong laban ko don? Sinabi nya pa sakin na wala daw mapapala sakin si Jema" sabi ko sa kanya

"Grabe naman yon, porket ba ganyan ka?" tanong ni Ate Aby, "Alam mo, dahil sa sipag at tyaga mo alam kong malayo ang mararating mo" sabi nya, "Kaya wag kang paghihinaan ng loob dahil lang sa sinabi nya, baka kasi nanliit ka eh" dagdag nya pa

Dahil sa mga sinabi ni Ate Aby nabuhayan ako ng loob.

"Kaya mo yan Deanns, nandito lang ako para sayo okay?" sabi ni Ate Aby, tumango ako

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon