Jema's POV
Halos tatlong oras na kaming naghihintay sa doctor na nag asikaso kay Deanna, hanggang ngayon nasa loob parin sila.
Nandito na din sila Lola at si Peter.
Iyak na din ng iyak si lola kaya niyakap sya ni Ate Aby.
"La, magiging okay din po si Deanna, kilala mo naman yon diba? malakas yun!" pagpapalakas ni Ate Aby sa loob ni lola
Hindi ko din mapigilan yung pagpatak ng luha ko dahil nag aalala din ako kay Deanna.
Maya maya lumabas na yung doctor kaya mabilis kaming nagsilapit sa kanya
"Doc, kamusta po?!" tanong ni Bea
"Need kong makausap yung parents nya" sabi ng doctor
"A-Ako po, ako po yung lola nya!" sabi ni lola habang umiiyak
"La, kailangan na po ng agarang surgery kay Ms. Deanna, according to her MRI mabilis yung paglaki ng blood clot sa brain nya, kapag mas lumaki pa yon at hindi naoperahan kaagad pwede syang mamatay" mas naiyak ako dahil sa sinabi ng doctor
"Doc, kapag inoperahan po ba sya ilang percent yung chance na maging successful yung operation nya?" tanong ni Ate Aby
"It's 50/50" sagot ng doctor, bigla akong napalunok, "Kailangan nyo syang dalhin sa malaking hospital, sa ngayon kasi hindi pa namin kayang gumawa ng surgery dahil kulang kulang pa yung mga gamit namin dito" dagdag pa ng doctor
"Sa ngayon, okay na sya, maya maya magkakamalay na sya at pwede na syang ilabas dito sa hospital, pero tulad ng sinabi ko, please convince her na magpa surgery kaagad agad..." sabi ng doctor
"S-Sige po doc, thank you" sabi ni Ate Aby, tumango yung doctor
"Pwede na kayong pumasok sa loob" sabi nya samin
Pagpasok namin sa sa room agad kong nakita si Deanna na nakahiga at wala paring malay.
Lumapit si Lola kay Deanna at umupo sa tabi nya, hinawakan nya yung kamay ni Deanna habang umiiyak.
"A-Apo.. m-magpagaling ka ha... h-hindi kakayanin ni lola kapag nawala ka.. m-mahal na mahal kita apo ko..." sabi ni Lola kay Deanna habang umiiyak
Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang paulit ulit na tinutusok iyon, hindi ko na din napigilan yung pag iyak ko.
"OMG!" sambit ni Ced
Nakita kong nagpupunas na din ng luha yung mga kasama namin dito.
Dahil hindi ko na nakayanan yung nakikita ko ngayon mabilis akong lumabas at doon ako umiyak ng umiyak.
Naiisip ko palang kasi na mawawala si Deanna parang hindi ko na kakayanin.
Naramdaman kong may yumakap sakin at nakita ko si Bea, niyakap ko sya pabalik.
"B-Bei... h-hindi ko kaya... *hik!" sabi ko habang umiiyak
"Shhh! H-hindi mangyayare yon, okay??" bulong nya sakin
"Pero--"
"Wag kang mag isip ng kung ano ano.." sabi nya sakin
"Bei, Jema, gising na si Deanna!" sabi ni Kyla samin, tumingin sakin si Bea
"Papasok ka?" tanong ni Bea sakin, umiling naman ako, "Okay, dito ka lang ha" sabi nya sakin, tumango naman ako
Sari sari yung nararamdaman ko ngayon, takot, pagsisisi, nasasaktan, kaba at kung ano ano pa, nag o-overthink na din ako sa posibleng mangyare kay Deanna.
Ayaw kong mawala si Deanna. Gusto ko pa syang mabuhay ng matagal. Sinisisi ko din yung sarili ko kung bakit nangyare sa kanya yon, siguro kung hindi kami nagkasagutan kanina hindi sya mahihimatay.
