Part 48

970 51 5
                                    

Deanna's POV

Bago kami makarating sa bahay nila Jema umulan ng malakas.

"Shit! Ang lakas naman ng ulan" sabi ni Jema

Nang mai-park nya yung sasakyan niya sa tapat ng bahay nila kumuha sya ng payong sa back seat.

"B, wag ka munang bababa ah, baka mabasa ka ng ulan" sabi ni Jema sakin, tumango naman ako

Binuksan nya muna yung payong bago sya bumaba ng sasakyan nya, nang makababa sya naglakad sya papunta sakin pagkatapos binuksan nya yung pinto.

"Bb, halika.." sabi nya sakin

Mabilis akong bumaba at sumilong sa payong.

"Sobrang lakas ng ulan" sabi ko

"Oo nga eh, halikana don sa loob" aya nya sakin

Naglakad kami papunta sa loob ng bahay nila.

"Oh! Jema kararating nyo lang? Mabuti at may dala kang payong?" salubong samin ni Tito pagkatapos tumingin sya sakin

"G-Good Afternoon po tito" bati ko sa kanya, nginitian nya ako

"Good Afternoon naman ija, mabuti at nakasama ka dito..." sabi nya sakin

"Uhm sasamahan ko pong mag aral si Jema" sabi ko sa kanya

"Talaga? Mabuti yan, mag aral kayo ng mabuti ha!" sabi nya samin habang nakangiti

"Opo" sabi ko

"Sige na pumasok na kayo don" sabi nya samin

"Dad, si mom po?" tanong ni Jema sa daddy nya

"Nasa mall, babalikan ko sya don, may binalikan kasi ako dito sa bahay" sagot ni tito sa kanya

"Ah, sige po, mag aaral na po kami" paalam ni Jema sa daddy nya

Hinawakan ni Jema yung kamay ko pagkatapos inakay nya ako papunta sa kwarto nya

Nang makapasok kami sa kwarto nya inilapag ko yung bag ko sa kama nya, napatingin ako sa mini table nya at nakita kong marami na kaming picture doon kaya napangiti ako.

"Bb, dito ka muna ha, kukuha lang ako ng meryenda sa baba" paalam ni Jema pagkatapos lumabas na sya ng kwarto nya

Habang hinihintay ko si Jema naupo muna ako.

Kanina nagulat ako nang bigla akong tawagan ni Bea, akala ko pa naman emergency kaya napilitan akong lumabas habang nagtuturo yung prof namin.

Tinawagan nya ako kanina para sabihing hindi daw nagawa ni Jema yung assignment nila, sinabi nya din na mukhang hindi na nakakapag focus si Jema sa pag aaral nya kaya naman nakaramdam ako ng kunsensya, ayaw ko kasing mapabayaan ni Jema yung pag aaral nya, baka kasi kung anong isipin ng parents nya, baka sabihin puro relasyon nalang naming dalawa yung inaatupag nya.

Kaya heto, nagpasya ako na samahan syang mag aral ngayon.

Maya maya bumalik na si Jema at may dala syang cake at juice.

Wow! cake... samin makakakaen lang ako ng cake kapag may birthday, hahahah! Pero sa kanila ginagawa lang nilang meryenda...

"B, kaen muna tayo bago mag aral" sabi ni Jema samin, pumayag naman ako dahil nagutom ako bigla

Habang kumakaen kami nakasandal yung ulo ni Jema sa balikat ko.

"B, ano ano yung mga assignment mo ngayon?" tanong ko sa kanya

"Mmm puro major B.." sagot nya sakin

Tumingin ako sa kanya.

"Bb, wag mong papabayaan yung pag aaral mo, sabi kasi sakin ni Bea kanina parang napapabayaan mo na daw yung pag aaral mo" sabi ko kay Jema

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon