Part 55

1.3K 61 44
                                    

Jema's POV

Habang kumakaen kami napapasulyap ako kay Deanna. Sobrang tahimik nya kasi, tapos nakahiwalay pa sya samin.

Simula nung magkita uli kami hindi ko pa nakikita yung totoong ngiti nya.

Maya maya tumayo na si Deanna kaya nagsitinginan sa kanya sila Tots.

"Oh! Saan punta mo Deanns?" tanong ni Gel kay Deanna

"B-Babalik na ako sa van, i-inaantok pa kasi ako eh" sagot ni Deanna, alam kong nagsisinungaling sya

"Ahh, sige, wait mo nalang kami don" sabi ni Gel, tumango lang si Deanna

"Hala, baka na o-OP satin yon si Deanna" sabi ni Ced

"Hayaan nyo muna sya, baka naninibago lang" sabi ni Bea

"Guys, alam kong nainis at nagalit kayo kay Deanna dahil sa nangyare samin, p-pero sana wag magbago yung tingin nyo sa kanya... saka okay na ako ngayon" sabi ko sa kanila, "Naka move on na ako" dagdag ko pa

"Eh kasi kapag nakikita ko sya naiinis ako eh! Naaalala ko kung paano ka nasaktan dati!" inis na sabi ni Bea

"Sshh! Move on na Bei" sabi ko sa kanya

"Kaya nga, move on na tayo... JeLla na tayo, tama na yung kaka GaWong!" sabi ni Kyla, pilit naman akong ngumiti

Maya maya bumalik na kami sa van at naabutan namin si Deanna na natutulog.

Tinuloy namin yung byahe.

Nang malapit na kami sa Zambales nag stop kami sa isang Mini stop, may mga bibilihin daw kasi sila.

Naaalala ko dito kami unang nagkita ni Deanna.

Nakita kong bumaba ng van si Deanna kaya bumaba na din ako.

Pumasok sya sa ministop kaya pumasok na din ako.

"Guys anong binibili nyo?" tanong ko sa kanila

"Alak, hahahah!" sagot ni Bea habang natatawa

"Mag iinuman kayo don?" tanong ko sa kanila

"Oo! Minsan lang eh" sabi ni Bea habang nakanguso

"Naku Beatriz umayos ka!" banta ni Jho sa kanya kaya natawa ako

Naglakad ako papunta sa beverage area ng Ministop, nakita kong naka open yung ref at nakita ko yung Chuckie.

Bigla akong napangiti.

Lumapit ako doon at agad kong kinuha yung Chuckie kaso may biglang humawak din non kaya nagkatinginan kaming dalawa. 

D-Deanna...

Deja vu!

Mabilis na binitawan ni Deanna yung Chuckie at kumuha nalang sya ng Zesto na chocolate pagkatapos naglakad na sya palayo.

Pagdating ko sa counter para magbayad nakita kong lumabas na ng Ministop si Deanna.

Pagkatapos naming mabili yung mga kailangan namin bumalik na kami sa van, nakita kong nakasuot na ng shades si Deanna.

Papi ha...

"Oy! Deanns, ang papi mo dyan sa suot mong shades!" sabi ni Gel sa kanya, tipid lang na ngumiti si Deanna

"Oy! Deanns, ang papi mo dyan sa suot mong shades!" sabi ni Gel sa kanya, tipid lang na ngumiti si Deanna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon