Part 53

1K 66 35
                                    

Jema's POV

"Love, parang pamilyar sakin si Deanna, nakita ko na ba sya dati?" tanong ni Ella sakin

"Ah oo... siguro? Schoolmate natin yon dati, sa Ateneo din sya nag aral, kaso sa ibang bansa sya nakapagtapos ng pag aaral kasi nakatanggap sya ng scholarship" sagot ko

"Wow! Ang swerte nya naman" sabi ni Ella sakin

Pagpasok namin sa bahay nakita ko si daddy at si mommy, lumapit ako sa kanila para bumeso.

Si Ella naman umupo sa sala.

"Nagkita kayo?" tanong ni daddy sakin

"Y-Yes po" sagot ko, "Bakit sya yung pinadala mo dad?" tanong ko sa kanya

Hindi ko kasi ma contact sila Bea at Kyla kanina, ayaw ko din maistorbo sila Tots, itong si Ella naman hindi nya sinasagot yung tawag ko kanina kaya si daddy nalang yung tinawagan ko.

"Eh may kakausapin pa kasi ako kanina" sagot ni daddy sakin, "Bakit? Nakamove on kana diba?" tanong nya sakin

"O-Oo naman po, tinatanong ko lang kung bakit sya" sabi ko

"Kasi gusto ko, saka wala na akong ibang maisip kanina e" sagot ni daddy habang nakangiti

Napailing nalang ako.

Maglalakad na sana ako palapit kay Ella kaso biglang nagsalita uli si dad.

"Ah Jema, may sasabihin pa pala ako" sabi ni daddy kaya humarap uli ako sa kanya

"Ano yon dad?" tanong ko sa kanya

"Iuutos ko kasi sayo na samahan si Deanna papunta sa Zambales sa Saturday, kailangan nyang bisitahin yung pagtatayuan ng 5 storey building, magtatagal kayo ng 5 days doon, sya kasi yung pinadala ng kumpare ko na engineer" sabi nya sakin, biglang kumunot yung noo ko

"Dad! Bakit ako? Si Mafe nalang" kunot noong sabi ko

"Aalis si Mafe sa Saturday, pupunta daw sya sa Korea para mag bakasyon" sagot ni daddy

"Si Ate Jov?" tanong ko

"May lakad din daw sya" sagot uli ni daddy

Napahawak ako sa noo ko.

"Eh bakit kasi sa dinami daming Engineer dito sa Pilipinas sa ibang bansa ka pa kumuha dad? Nandito naman sila Tots, Ced, Gel, pati si Kamuy!" inis na sabi ko

"Anak kaibigan ko yung may ari ng company, saka hindi ko naman alam na si engineer pala si Deanna sa company nila eh, nagulat nga ako nung nakita ko sya eh..." sagot ni daddy sakin

"Kasi naman eh!" pagmamaktol ko

"5 days lang naman kayo don, saka wala namang problema diba? Parehas na kayong naka move on, ilang years na din yung lumipas Jema" sabi nya sakin

"Dad oo nga nakamove on na ako, pero may gagawin din kasi kami ni Ella, next month na yung kasal namin" inis na sabi ko, hinihinaan namin ni daddy yung boses namin para hindi marinig ni Ella, tumingin sakin ng seryoso si daddy

"Anak, 5 days lang yung hinihingi kong pabor sayo" sabi nya sakin, "Kung gusto mo isama mo si Ella, tapos yung mga kaibigan mo, bonding kayo don" dagdag pa ni daddy, huminga ako ng malalim

"K. Fine!" inis na sabi ko

"Good!" sabi ni daddy, napailing uli ako

Naglakad ako palapit kay Ella, nang nakalapit ako sa kanya umupo ako sa tabi nya at isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya

"Love" tawag ko sa kanya

"Hmmm??" tanong nya sakin

"Sama ka samin sa Zambales" sabi ko sa kanya, nagpacute na din akosa kanya tumingin naman sya sakin

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon